<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Anniversary Blues

Tuesday, January 22, 2008
Ito ang unang anniversary na kami ni Bibi ay nasa magkaibang bansa... Paano nga ba ako makagagawa ng mga pakulo para sa napakahalagang araw na ito? Hmm... Ito na yata ang pinakamahirap na paghahanda ng mga pakulo sa buong kasaysayan ng anniversary...


Mga kailangang gawin:

1. Alamin ang schedule ni Bibi

2. Alamin ang home address ni Bibi

3. Alamin kung saan makakakuha ng mga bulaklak at regalo

4. Pumili ng bulaklak at regalo


Baliktanaw 1: December 28, 2007... Naghahanap sa Blackle ng mga tindahan ng bulaklak at regalo... At nakahanap naman ako ng matinong mabibilhan ng mga ibibigay ko kay Bibi...


Baliktanaw 2: December 30, 2007... Telebabad kami ni Bibi...


Baba: So forever ka nang EUT?

Bibi: Hindi, last ko na today, tapos pang-umaga na ako ulit.

Baba: Ganun, ang pangit naman...

Bibi: Tatlo kasi yung shift, isang early morning, isang mid morning, at isang afternoon ang start...

Baba: Ahh, so sunod sunod na yang ganyan?

Bibi: Yes!

Baba: Nyeks, swangit!

Bibi: Sinabi mo pa...


Boom tarat tarat... Kung di tayo nagkakamali sa ating logic, sa araw na ito, siya ay pang early morning shift... So di masyadong hassle problemahin ang oras... :-)


Baliktanaw 3: January 2, 2008... Nag-iwan ako ng message kay Bibi sa YM...


Baba: Babe! email mo sa yahoo ko yung address mo jan sa sg para pag-apply ko ng supplementary card


At kinabukasan nga'y may e-mail akong natanggap mula kay Bibi na naglalaman ng kanyang home address...


Baliktanaw 4: January 10, 2008... Nag-text si Bibi ng kanyang schedule...


Bibi: Jan 22, 10am - 7pm


Well, hindi nga early morning, but still, nasa bahay na siya sa gabi... See... Everything falls into place... :-)


Baliktanaw 5: January 17, 2008... Nag-order ako (online) ng mga anniversary gifts... Ang plano ay, ipadadala ang una ng 7am, saktong paggising niya... At ang huli'y ipadadala ng 10:30pm, saktong patulog na siya...


So... Kumusta naman ang anniversary? Well...


Nagkaroon ng countdown sa pagsapit ng January 22 (Singapore Time) na mula ngayo'y malugod nating tatawaging Anniversary... Dahil mahilig makipag-unahan si Bibi sa pagbati, kahit inaantok na siya'y talagang inabangan niya ang pagsapit ng hatinggabi... Di mapakali... Pikit mga mata ngunit ang kanyang isip ay hindi mapalagay... Naiinip sa kahihintay...


7... 6... 5... 4... 3... 2... 1...


Minuto po ang binilang namin... Hindi segundo... Excited? Hardly... Excited??? Surely...


At nang may isang minuto bago sumapit ang Anniversary, tinawagan ko na si Bibi... At kami ay naglandian sa phone... Lambingan pala... At wala nga akong paki sa mga tao sa opisina kung iniisip nilang nagtetelebabad lang ako... At... At... At...


Naghahanap si Bibi ng 8 gifts... Mangyari kasi'y nakatanggap siya ng 7 gifts noong 7th Anniversary...


Baliktanaw 6: January 22, 2007... http://ponggoloids.blogspot.com/2007/01/exchange-gift.html


Ngunit napagkasunduan na rin naman namin noon na, dahil sa malungkot na tadhanang kinalalagyan namin ngayon, mas makabubuting sa muli naming pagkikita na lamang mag-exchange gift... Syempre, isa yan sa tradisyon ng mga magsing-irog na taunang nagdiriwang ng pag-amin ng kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa... Starts with the letter L... Alam ko tagalog itong blog pero hindi po libog, wag kayong bastos!


Alam niyo na yan... :-)


At kinikilig na nga ako habang sinusulat ko ito... Kasi naman! Ang tagal-tagal na namin... Through thick (nung mataba siya) and thin (nung payat ako)... In good times (most of the time) and bad times (least of the time?!)... Till death do us part...


I do! I do! :-)


Mabalik tayo... Naghahanap nga si Bibi ng 8 gifts... At dahil nasa Prague ako ngayon, napagkasunduan nga naming sa pagbalik ko na lang sa Singapore magbigayan ng regalo... Ngunit... Subalit... Datapwa't... Ewan... Kailan ba ako sumang-ayon na hindi bigyan ang Bibi ko ng sir fries pag Anniversary?


Nevah! (Wag nang humirit, change topic! :-P)


May pasok si Bibi kinabukasan kaya't siya'y natulog na rin matapos naming mag-usap sa telepono... At dahil gigising rin naman si Bibi pagsapit ng hatinggabi dito sa Prague (7am sa Singapore) para batiin ako, naisipan ko na rin lang mag-countdown mag-isa... Awww... Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman, may nakaabang na sir fries para sa kanya pagmulat ng kanyang mata...


At sumapit na nga ang hatinggabi... At tumawag na si Bibi para batiin ako... At gusto na rin niyang ibaba agad dahil inaantok pa daw siya... Tumawad ako, ilang minutes pa, kasi naman, padating na dapat ang unang sir fries...


Time out... Pangit na talaga tignan ang sir fries... Surprise na lang...


At nag-usap pa kami nang halos 30 minutes... At wala pa ring kahit kaunting bakas ng pagkatuwa sa tono ni Bibi... At nagpasya na siyang bumangon at maghanda ng kanyang agahan... Sa pagbukas ng kanyang pinto...


Bibi: Ano to?!

Bibi: OMG!

Bibi: Hindi nga?!

Bibi: Ano to?!

Bibi: Akin to?!

Bibi: Seryoso ka?!

Bibi: Kanino ka nagpatulong?!

Bibi: Hindi nga?!


Kung nahihirapan kayong mag-imagine at iniisip niyo pa kung ano ang hitsura ni Bibi habang siya ay nag-monologue niyan... Well... Well... Well... Kilala niyo si Sisa? "Crispin?! Basilio?!"


Susubukin kong sagutin ang mga tanong ni Bibi...


Ano to?! - Yan po ay mga rosas at isang baso... Or at least they should've resembled a dozen roses and a vase...

OMG! - He's mine too, you know... Everyone should change that expression to "OOG!"...

Hindi nga?! - This one's a toughie... How do you address such suspicion?

Ano to?! - Redundant? Next question please...

Akin to?! - Well, does it look like anyone else deserves to receive flowers today? And it doesn't look like there's any other Miamel Abalos in that flat...

Seryoso ka?! - Well, this is the first time Bibi's getting flowers from me... I understand the cynicism...

Kanino ka nagpatulong?! - Excuse me! If plans went well, you should've been the one to answer the door when the deliveryboy rang... Instead, by some twist of fate, you didn't hear it and your flatmate had to receive it...

Hindi nga?! - Enough na... You're embarrassing me...


At nang matapos kaming mag-usap, nag-picture picture na si Bibi... Bago at matapos siyang maligo... Kasama ang mga rosas... At ang baso...


Naks!


At nagtext pa si Bibi para sabihing "superduper saya" niya... Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng "duper" pero buti na lang at natuwa siya... Kung hindi, palpak ako... Eh sa kasaysayan ng Anniversary, hindi pa ako sumasablay... Buti na lang...


At na-guilty ako... Seryoso... Walong taon ko nga naman siya napagkaitan ng ganun... Walong taon siyang hindi nakatanggap ng bulaklak galing sa'kin... May mga dahilan naman ako... Ngunit kung alam ko lang na ganyan siya kasaya kapag nakatanggap siya ng bulaklak... Hay...


Sana sa kasal na lang binigyan ng bulaklak... :-P




Tinuro naman sa science class kung paanong mapapaiba ang kulay ng mga talulot ng bulaklak... Diffusion... At, hindi ako nang-ookray... Pero, sana, mas marami pang blue... Anniversary Blues!:-P


Ngunit hindi ata tinuro sa science class kung paanong sulatan ang bawat rose ng Happy Anniversary... :-P




Nang makauwi si Bibi mula sa kanyang trabaho (bandang 9pm) ay dali-dali niyang kinausap ang kanyang mga kapatid at pinakita ang mga bulaklak... At masaya nga si Bibi...


Sa kasaysayan ng mga ganitong pakulo ko para kay Bibi, hindi nawawala ang aking pang-aaway... At gaya nga ng matagal ko nang sinasabi, kailangang mag-galit-galitan ako para mas maganda ang dating ng surprise... Kaya't "inaway" ko si Bibi sa YM...



Baba: ayusin mo na yang sa kwarto mo

Baba: nakakahiya sa hausmates mo na ganun

Baba: dapat responsible enough ka

Baba: kung para sayo, ikaw magopen ng door

Baba: hindi yung ganyan, hinaan mo, wala kang paki

Baba: isipin mo, babangon pa hausmates mo, eh di naman para sa kanila

Baba: nakakahiya yun

Bibi: sowee...

Bibi: aayusin ko po...

Bibi: sowee...

Baba: inayos mo na?

Baba: tignan mo

Baba: makakalimutan mo pa yan eh

Baba: nakaka-annoy yun babe

Baba: eh kung ikaw kaya yun

Baba: doorbell ng doorbell, tapos ibang tao hinahanap

Baba: tapos di nila sinasagot

Baba: syempre mabbwiset ka rin di ba

Baba: so ikaw na ang magbubukas

Baba: pagod mo pa

Bibi: sorry na....

Bibi: wag ka na magalit...

Bibi: *HUGZ*

Bibi: sorry na...


At lumabas nga saglit si Bibi upang bisitahin ang kusina... Tumunog ang doorbell... Bandang 10:45pm... At biglang may tumawag sa cellphone ko...


Bibi: Ano to?!

Bibi: Yihee!

Bibi: Kaya pala pinapalakasan yung volume nung door thingy... Meron pa palang kasunod...

Bibi: Ang cute cute niya!

Bibi: Aww...


Sinong cute?




Bibi: ei babe

Bibi: teka

Bibi: OMG!!!

Bibi: alam mo ba na 24k yung gold rose???

Baba: yep

Baba: :-P

Baba: akala ko nakita mo na


At sigurado ako, hindi tinuro sa science class kung paanong i-coat ng 24K gold ang isang rose... Sure ako dyan! :-P




Bibi: OMG!!!

Bibi: baka makidnap ako babe

Baba: ngayon mo lang nakita?

Baba: hehe

Bibi: kasi may gold ako

Bibi: ngayon ko lang nakita na 24 K sya

Bibi: pero alam ko na 99.9% gold plated sya

Bibi: huwaw!!!!!!!

Bibi: babe

Bibi: baka makidnap ako

Bibi: baby!!!!!!

Bibi: uwi ka na


Ah... Eh... OA na... Tama na... :-P


At maya-maya nga'y nawalan na ako ng kausap sa YM... Mangyari kasi'y kinausap muli ni Bibi ang kanyang mga kapatid at pinakita naman ang mga bagong regalong natanggap gamit ang webcam... At masaya nga si Bibi...


At medyo nakahalata akong wala na nga akong kausap sa YM... Nandoon, nagpipicture picture...


At masaya nga si Bibi... Happy sa Anniversary... Basta masaya siya, masaya ako... :-)


Ngunit bago ko tapusin ito, heto na ang pinakaaabangan ni Bibi... Ang bahagi ng.... Kwentahan... I-handa na ang pambayad...


Message Rose with Vase... XXXXXX SGD

Bear with Gold Rose and 2-Heart Necklace... XXXXXX SGD

Bibi's Happiness (and Sisa moments)... Priceless...


For everything else, there's Mastercard... Woohoo! Plug! (Buti na lang talaga may Mastercard ako... Hehe...)


Heto ang ilang mga huling pabasa...


- Opo, mag-aapply talaga ako ng supp card para kay Bibi... Sana payagan...

- Para sa iba pang mga larawan, punta na sa Multiply ni Bibi...

http://mamamiapizzamia.multiply.com/photos/album/60/From_Prague_to_Singapura

- Wala pang pangalan ang cutie bear ni Bibi... Sali na! May premyo ang makapagbibigay ng pangalang kanyang mapupusuan...

http://mamamiapizzamia.multiply.com/journal/item/15/Care_To_Name_My_Bear

- 11:55pm na! Tulog na ko...


Happy 8th Anniversary!!!!!!! ¤mwah¤


P.S., I love you Bibi... Zzz...
~
Post a Comment
<< Home

11:58 PM :: Baba (ponggoloids)