<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Entablado - Starbucks Stalkings

Thursday, November 03, 2005
Tagpuan: Starbucks sa Robinsons Place Manila
Tauhan: HIV, Babae, STD, Ganda, at iba pa


Halina't kilalanin ang dalawang pisngi ng puwet... este, ng tao pala...


Minsa'y napadpad si HIV sa Starbucks kasama ang kanyang mga kaibigan sa opisina... Habang nakapila pa si HIV'y napatingin siya sa isa sa mga babaeng baristang naghahanda ng mga tinapay doon... Nagkataong napatingin rin si babae at napangiti... Bagama't di pa siya ang tinatanong ng lalaking nasa kahera, tinanong na ni babae si HIV kung anong nais niyang bilhin...


Babae: What are you having?


HIV: Isang Cinnamon Swirl...


Babae: For here?


HIV: To go...


At nang makapagbayad na si HIV at kanyang makuha ang biniling Cinnamon Swirl, naupo na siya sa isang lamesang malapit sa may lalagyan ng mga straw, napkin, at stirrer... Kasama niya noon sa lamesa ang ka-opisinang si STD (na mahilig sa mga nerdy at naka-backpack)...


STD: Talaga naman si Ganda (isa pang ka-opisina), may boylet sa Starbucks!


HIV: Hehe... Oo nga... Madami namang prospects dito eh... Cute nga yung isang girl dun... (Sabay tingin sa mga barista sa counter)


Sa mga oras na ito'y di nila namalayang ang tinutukoy pala ni HIV ay nagliligpit ng mga gamit sa may lalagyan ng straw, napkin, at stirrer... (Hindi nga lamang tayo nakasisiguro kung totoong may nililigpit siya roon o kung ginulo niya muna ang mga gamit doon para nga naman may ligpitin siya... Bakit naman kaya... Hmmm...) Maya-maya'y umalis na si babae at pumunta sa mga karatig-mesa, tila nagliligpit ng mga kinainan ng mga panauhing kaaalis lamang...


HIV: Ayun, siya... Hehe... Nakita mo name niya?


STD: Hindi eh... (Sabay baling sa ibang mga ka-opisina...) Hindi lang pala si Ganda ang may kina-career sa Starbucks eh... Pati tong si HIV...


At, bago pa man makahirit ang iba'y muling bumalik si babae sa may lalagyan ng mga straw, napkin, at stirrer... Sa pagkakataong ito, nasulyapan na ni STD at HIV ang kanyang nametag... Itago natin siya sa pangalang Babae...


=======================================================================


Muling napadpad ng Starbucks ang magkaibigang si HIV at STD... Dala na rin ng matinding kalungkutan ni STD sa pagkakatamo ng sadyang malubhang sakit... Muling nauna sa pila si STD doon siya sa gawing kanan samantalang si HIV'y pumila sa gawing kaliwa... Di inaasahang nakita muli ni HIV si Babae at, gaya ng dati'y, bagama't di pa siya ang nasa kahera, tinanong na siya ni Babae...


Babae: Yes, how may I help you?


HIV: Isang Venti Hot White Choco at isang Cinammon Swirl...


Babae: For here?


HIV: Yup...


Babae: Your name?


HIV: ########## (Hindi po natin ililimbag ang pangalang binanggit ni HIV upang protektahan ang kanyang privacy...)


At habang inihahanda ni Babae ang mga binili ni HIV, isang nakangising STD ang humarap sa kanya... Habang kapwa nila hinihintay ang kanilang mga binili, nagpatuloy ang mga makahulugang ngiti ni STD... At dahil sa di maipaliwanag na kadahilana'y nakaligtaan ni Babae ang Cinnamon Swirl ni HIV, napahirit si STD...


STD: Mas efficient sila pag maraming tao noh? (Sa tagpuang ito kasi, kakaunti lamang ang taong nasa Starbucks...)


HIV: Oo nga... (Ngunit sa isip niya'y tila nalilito si Babae... gusto kasing magpakitang gilas sa kanya...)


At nang makabalik na sila STD at HIV sa kanilang lamesa, napansin na lamang ni HIV na si Babae'y muling nagliligpit ng mga kinainan ng mga panauhing kaaalis lamang...


=======================================================================


Siguro nga'y ganun talaga... Si HIV ang stalked sa mga pagkakataong iyon... Kung bakit nga ba si Babae ang nagliligpit ng mga kinainan at hindi ang ibang barista sa mga pagkakataong iyon... Di kaya'y gumagawa ng paraan si Babae upang makadikit kay HIV?


Ngunit maaring si HIV rin naman ang stalker... Kung bibigyang kahulugan ang pagmamasid niya sa mga gawain ni Babae, marahil nga'y binabantayan niya ang loka... Bakit nga naman ba niya hinahabol ng tingin si Babae?


Stalker ka talaga HIV!!! Feeling stalked ka lang...
~

    Iba talaga ang kamandag ni HIV! Sino kaya yun? Basta, ang masasabi ko lang ay bagay kay Ganda yung ipinangalan mo sa kanya, hehhe! :D

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 11/08/2005 3:11 AM  





Post a Comment
<< Home

11:37 PM :: Baba (ponggoloids)