Frivolities - Ignoramuses
Saturday, August 04, 2007
Ang mga isinulat ko rito ay parang Lord Of The Rings at Harry Potter... Kay bibigat ng mga kwento... Napakaganda ng pagkakahabi ng sumulat... At sadyang napakaraming bakbakan... Kaya't ituloy na natin ang kwento...May isang change request (CR sa maiksing tawag, oo, mabantot, pero yan talaga ang tawag) na bumulahaw sa kapayapaan ng mundo... Sa mga gustong maki-usi, heto ang The Hobbit sa LOTR na ito... Kabanata 1, Kabanata 2, Kabanata 3. Ang CR na ito ay para sa FSI (na nabanggit ko ngang isa sa mga urgent na pinasadahan ko noong nakaraang linggo). Mangyari'y ang map na ito'y unang nilikha ng bida-bidahang si Russia (pagkat si Russ siya) mula sa The Hobbit... Dati kasing kasama sa shift namin si Russia, bago pa siya ma-draft pick ng US shift... At ngayon nga'y nasa kabila na siya...
Mabalik tayo... Dahil sa mga pangyayari sa The Hobbit, napilitang ibigay ni amo sa iba ang naturang CR... Ang kanyang napisil (hindi po natin alam kung kanyang napisil talaga ito ha, figure of speech lang) na gumawa? Ang nag-iisang indian girl sa aming koponan... Kay lakas nga naman ng dating ng dalagang ito... Sa tuwing ika'y malalapit sa kanya, kakaibang pakiramdam ang iyong madarama... Nag-aagaw buhay ang iyong puso, hindi mawari kung isasagad ang tibok... At bago niyo pa ngang isipin na mala-Pocahontas ito, uunahan ko na kayo... Tara, kanta tayo... Heto na tayo... Heto na tayo... Huwag kang hihinga bigla...
Hindi po ako masama... I'm just stating the facts, your honor... Pagkat lahat kaming mga Pinoy ay tatayong testigo (hopya mani popcorn... bawal ang ngongo!) na siya ay malakas... At dahil dito'y, tatawagin ko siyang Skunk, isa sa mga malulupit na kalaban ng ating bida man na si Pong...
At paumanhin kung lumayo na naman ang kwento, pero heto't aayusin ko na... Akalain mo nga naman... Si Skunk at ang CR... Isang mabantot na pagsasama at, sa kasamaang palad, kailangang dumaan sa akin ang pagsasamang 'yan... Kumusta naman? Matagal na rin naman kasing ginagawa ito ni Skunk (salvaje ka kung inisip mong ang kanyang paghahasik ng lagim, pero sumagi rin naman sa isip ko yun, so bati tayo) at nakailang tanong na rin siya kay Mio at Annette... Tinulungan pa nga siya ng isang henyo na kakampi ngayon ni Russia (sa kasalukuyan ay hindi pa ganoon kalaki ang bahagi ng henyong ito, pero malay natin, he might bring balance to the force) kaya't hindi ko rin naman makuhang maging brutal pa sa pag-QC ng kanyang map...
Ang trabaho ng QC, ayon sa aking amo, ay masasabi lang na nagagawa nang maayos kapag may nakikita kang mali... Ibang klase mag-isip ang amo ko no? Walang tiwala sa mga tao niya... Dapat laging may mali... Kaya't ayun, nailista ko naman lahat ng mga mali ni Skunk... Binigay ko na rin ang nararapat na gawin nang sa gayo'y maayos na ang urgent na CR... Mabait ako... At hindi ko gustong pinahihirapan ang mga teammates ko... Kung alam ko naman ang gagawin, aba'y gagabayan pa kita... Because I know you are lost... Let me aid you in your quest...
To cut the long story short, leche!
See, kailangan talaga mahaba ang kwento... Na-appreciate niyo ba yung "leche!" na yun? Hindi, di ba? So ganito nga... Nag-email na ako... Matapos ang ilang minuto'y lumapit siyang nahihiya at sinabing "Can you come for a minute?" Huwaw... Come... For a minute... Wholesome ito... So pinuntahan ko siya sa kanyang terminal at doon nga'y sinabi niyang hindi niya naunawaan ang mga pinagsasabi ko... Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kanya... Aaminin ko po, isang malaking sakripisyo ito... Dahil, una, usapang english ito... Magaling ako dun, don't worry... Pero siya, hindi tayo sigurado... Kasi kung magaling siya, malamang naintindihan niya ang mga isinulat ko...
344 : S_MDL : You should be getting the last index of ARRAY->DTL_ProductCode_tmp as this represents the total number of ITM001 read from the input.
372 : S_MDL : You should get ARRAY->DTL_ProductCode_tmp as the VAR->NonUnique_ProdCode. With the current assignment, the condition in line 393 will always be true.
411 - 425 : S_MDL : You don't need these here. If you put it there then you will generate DTL for each ProdCode in the input, hence not meeting the requirement that only unique ProdCode will generate DTL.
435 - 436 : S_MDL : These force AI to not execute the rest of the codes in AssignArray_Sorted_By_ProdCode_Looping. Remove these.
Mahirap bang intindihin yan? Sige, ipinaliwanag ko ang una... Pumalag... Ginawa na raw niya yun bago ko pa man sabihin, at hindi gumana, kaya't ganyan ang ginawa niya... Tumahimik ako saglit... Ipinaliwanag ang pangalawa... Pumalag... Ginawa na rin daw niya, at hindi rin gumana, kaya ganyan ang ginawa niya... Hindi po ako nagpapakaredundant sa talatang ito... Ganoon po talaga ang nangyaring pag-uusap... At naglalaban na nga ang demonyo at ang anghel sa aking mga balikat... Binubulungan ako ng demonyo... "Kumuha ka ng bolpen... Saksakin mo na..." Nilalambing naman ako ng anghel... "Tandaan mo, thou shall not kill..." At ginawa ko nga ang marapat lang na gawin... Ako'y tumayo, pumunta sa cube ko at kumuha ng mechanical pencil...
Astig kasi 'to eh, parang light saber... Eh yung ballpen, wala, yun lang... At least ito, humahaba ang dulo... At dali-dali akong bumalik sa kinalulugdan niya... Handa na ako... Sagad na ito ng aking pasensya... Wala nang urungan...
At nagsimula akong mag-drawing sa scratch paper... Ipinakita ko ang isang stack... "Ito ang ARRAY->DTL_ProductCode_tmp..." At parang nagtutor ako... Nang may ilang minuto'y natapos rin ako sa pagtuturo... Hindi ko alam kung may natutunan siya... Sana meron... Pero mukhang wala...
Lumapit siya... Gumana na raw... Nagpapasalamat... Ngunit may panibagong suliranin... Ang SRL record daw ay nasa maling lugar... At dahil ako naman si bait, tinignan ko ang codes niya... Binago ko ang model at pinasubukan ko sa kanya... Gumana... Nagpasalamat siyang muli... At inaral niya ang pinagkaiba ng ginawa ko sa una niyang ginawa...
Maayos na muli akong nagtratrabaho nang biglang "Stephen?"... Si Skunk na naman... At may bago raw testfile ang BA... Mali na naman raw ang SRL record... Teka lang ha... Sino bang developer? Hindi ba't ikaw? Sinong dapat mag-investigate? Hindi ba't ikaw? Ang labo naman... At dahil nga delayed na itong map na ito, hiningi ko ang testfile... Tinignang mabuti... At muli'y binago ko ang code... Mag-aala-una na ng madaling araw ng Sabado... Gumana... At nahiya ako sa sarili ko...
I mean, kung ikaw ba ang nasa lugar ko, mag-aaksaya ka pa ng oras para ipaliwanag ang dapat gawin? Tapos ay tatanungin ka pang muli dahil parang walang naunawaan sa paliwanag mo... Hindi ba't mainam pang gawin mo na lang pagkat gahol ka sa oras? Hindi ko alam kung malaki ba ang pagkukulang ko... Sa pagkakaalam ko, hindi ko sila kailangan turuan gumamit ng utak... Pero bakit ganun... Bakit... Parang... Wala pala talagang utak... O baka utak green peas... Utak ipis...
Ka Freddie, sabayan mo nga ako... Ako ang nakakita... Ako ang bumusisi... Ako pa rin ang may kasalanan...
~
Post a Comment
3:10 AM :: Baba (ponggoloids)
ampots... akalain mong ikaw pa ang nahiya!! grrrrh. dpat pinakitaan mo ng pagkaimbyerna, dahel di na siya nakatutuwa.. they'll just take the credit and then after that wala n nman isa ka lng ordinaryong kalbo... este QC pra sa kanila... at talagang nkapangingig taba sila ha naninikip tuloy belt ko! tell 'em they owe you! at least make 'em pay! utang na loob umabot kau ng madaling araw ng sabado... hays! bwakanangenangyan! -russ
Mga hinuha ni noong 8/07/2007 4:29 AMhaha... hay... last na yan... hindi na ako magiging mabait... no more spooning... este spoon feeding pala... >:)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 8/07/2007 11:19 AM
Post a Comment
<< Home
3:10 AM :: Baba (ponggoloids)




