Near Deaf Experience ~v 05.10.06~
Friday, May 12, 2006
Tauhan: Pong, Rage, Jode, at mga bida-bidahang sina Apple ng bandang Adam's Apple at Champong ng bandang HellTagpuan: Happy Feet Bar
Away o Bati
==================================
Ito ay isang gabing puno ng mood swings... kung minsan kasi'y ganito ang lakad namin... Minsan masaya ang lahat... Minsan malungkot ang lahat... Gaya na lamang ng lakad na ito... Maaga kasi kaming napadpad sa Happy Feet Bar para panooring ang Adam's Apple band...
At dahil bagot na bagot ang dalawa... napag-isipan na lamang kung ano ba talaga ang ipinunta dun... Tutugtog kasi noong gabing yun ang Adam's Apple at ang Eve's Evak... Si Apple na lead singer ng unang banda ay matagal na rin namang pinagpapantasyahan ni Rage... Si Eve na lead singer ng ikalawa ay matagal nang minomolestya ni Jode sa kanyang napakaruming isip... Ngunit noong gabing iyon, may kakaibang pangyayari... Wala sa mood si Jode at Rage na magkilig-kiligan sa kanilang mga napiling mang-aawit... Si Apple kasi... Teka, mukhang Adam ata ang gusto niyang itawag ko sa kanya... Sige... Si Adam kasi, may secret... isang malaking secret... Meron syang singaw... Si Eve naman ay tao lang... Nakagat ng ipis ang eyelid sa kanang mata... Gayun na lamang ang dismaya ni Jode at Rage...
At para mabuhay ang gabi, napag-usapan namin ang pinakamamahal ni Jode na si Champong ng Hell... Sabi kasi ni Rage, Champong ang rootword ng Champoy... At dahil mahal na mahal ni Jode si Champoy, tinignan niya sa Wikipedia ang CHAMPONG... Syempre, wala syang nakita... Akalain mo nga naman Jode... At dahil aliw na aliw si Rage sa mga pangyayari... Di naiwasang mabugbog sya sa kurot ng World Champion na si Jode...Kasi naman Jode... Unique ang name ni Champong... Talagang wala kang makikitang ganyan sa Wikipedia...
Pong: Rage, kung ikaw si Champ, aaminin mo bang Champong ang tunay mong pangalan?Rage: Hindi... Syempre, sa close friends ko lang yun...
Pong: Ayan jode, nasa extended network ka ng friends ni Champ... Close sila ni rage... Pasalamat ka...
At naalala tuloy namin nung minsang nagperform ang Hell kamakailan... Bago kumanta si Champong, binati niya muna ang crowd...Champong: Kami po ang Hell... Ako nga po pala si Champong... Champ na lang, baka di niyo ma-spell....
O di ba? Ang yabang ng lolo niyo....
Champong: Ang tutugtugin po namin, galing sa commercial ng isang kape... Tutugtugin po nila, tutula ako... Ang title nito, a cup in hand...
Buti naman at inamin na niyang mahusay siyang tumula...
Champong: Oo nga pala, nasa Starbucks ako nung Monday... Hi nga pala kina Rage at Pong na nasa Makati Rep... Balita ko may friends kayo na nasa Starbucks din nun... Napansin ko ata... Yun ata yung stalker ko na malapit ko nang i-report kay Tulfo...
At ayan.... gayon na lamang ang pagkalungkot ni Jode sa kanyang natuklasan... Nagdasal kay San Miguel na sana'y makita na niya ang Light...
May Feeling o May Filling
==================================
Akalain mo nga namang ito'y isang intimate event... Yun ang billing... At di nga naman sila sumablay... Dalawang grupo lang ang meron sa audience... Ang grupo naming tatlo... At ang grupo ng mga kaibigan nila Adam...
Pumasok si Adam sa Bar... Naktia niya ang isang kakilala niyang di namin kilala... Tinanong ito kung kilala ang isa pang nilalang na kanyang itinuro sa gawi namin... Nang pinapakilala ng isang di kilalang nilalang si Adam sa isang babae sa kanilang crowd na nagkataong katabi ni Rage, di maitago ang pagkawala ng ngiti sa mukha ni Adam...
Nang makaalis na si Adam, di maitago ang galak ng di kilalang babaeng katabi ni Rage...
Babae: Grabe, naalala niya pa ko... Familiar daw ako...Pong: Feeling naman nito... Ang tinuturo naman talaga ni Adam eh si Rage... Kita namang kay Rage nakatingin at nakangiti...
Rage: Oo nga... May gusto sa'kin yun!
At di na natiis ni Jode...
Jode: Boss! Beer nga....
Starstruck o Lovestruck
==================================
Nagpakuha kami ng larawan kasama si Adam... Una, si Rage muna kasama ang kanyang pantasya...
Jode: Uy, maganda si Adam dun sa pic natin... Kaso sabotahe tong si Rage eh... Tsktsk...
Pong: Oo, nakita ko nga nung kumukuha si rage, nanginginig ang kamay... Hehe...
Jode: Hahaha... Oo...
Pong: Starstruck o in love...
Jode: Tapos, hindi na daw niya babasain noo niya. Hehe... Andun na kc pawis ni Adam. Hehehe...
Rage: Oo nga e... Alam mo maganda si Adam pag malabo ung pic... Hehe... Hindi ko rin alam bakit ako nanginginig... Tsktsk...
Wag ka na magpalusot pare... Sinabotahe mo talaga... Hehe... :-)


