Akda - Tigang
Tuesday, August 01, 2006
Tigang
ni Pongskie
Kapag El Nino
Tuyot ang lupa
Ngunit di magtatagal
Bubuhos rin ang ulan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Kapag La Nina
Walang patid ang ulan
Ang dating uhaw
Patuloy na maiibsan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Ang El Nino,
Minsan lang sa isang taon
Nadidiligan
Kahit na minsan lang ay ambon
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Ang iba dyan
Sagana sa ulan
Maraming patak
Minsan pa'y bumabaha
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
May iba nga
Desyerto kung mistulan
Kung umasta nama'y
Oasis sa kagandahan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Kahit magpanggap
Walang gamot sa tigang
At sa hinaharap
Mangangamoy lupa na lang
ni Pongskie
Kapag El Nino
Tuyot ang lupa
Ngunit di magtatagal
Bubuhos rin ang ulan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Kapag La Nina
Walang patid ang ulan
Ang dating uhaw
Patuloy na maiibsan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Ang El Nino,
Minsan lang sa isang taon
Nadidiligan
Kahit na minsan lang ay ambon
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Ang iba dyan
Sagana sa ulan
Maraming patak
Minsan pa'y bumabaha
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
May iba nga
Desyerto kung mistulan
Kung umasta nama'y
Oasis sa kagandahan
Ngunit may ilan
Kay tagal nang tigang
Kahit magpanggap
Walang gamot sa tigang
At sa hinaharap
Mangangamoy lupa na lang


