NagkaBohol Bohol, Kabanata 1
Tuesday, August 15, 2006
Eto na... Eto na ang entry na dudurog sa puso niyo...Matagal nang na-plano ang trip to Bohol... Kung di ako nagkakamali, at bihira naman talaga ako magkamali, noong March 6 nabili ang tickets... Ganyan kami ka-excited noon... Palibhasa'y may promo ang Cebu Pacific... Sampung piso na lang raw papunta doon... Pero siyempre, may karagdagang tax at kung anu-ano pang mga bayarin, kaya't umabot rin ng mahigit isang libo ang gastos... Ok lang naman... Minsan lang naman yang mga gastos na ganyan eh...
Ano bang meron at nagkayayaan lumabas? Hmm... Masaya kasi yung huling out of town ng mga pasaway na batchmates at ibang hindi batchmates... Sa Baguio noon, syempre naman, ang butihin coordinator noon ay si Anntukin...
Bakit si Anntukin ang namuno sa paghahanda sa Baguio trip noong February?
A. Dahil likas na mabait at mabusisi sa mga detalye si Anntukin...
B. Dahil nalibot na niya ang Baguio kaya't siya ang pinakaakmang magplano...
C. Dahil excited siyang umakyat sa Baguio, may halong kilig pa yan, pwera biro...
D. All of the above...
Alam naman natin na ang pinakamasayang sagot ay ang Letter C... Di ba? Tayo-tayo na lang maglolokohan pa... Pero hindi nga, ang tamang sagot dyan ay Letter D... Sadyang ganyan kalupit si Anntukin... Hitting all birds with one pebble...
Hindi matatawaran ang saya ng bakasyong iyon sa Baguio... Sayang at nahuli ang ilan sa amin, hindi tuloy namin na-meet and greet si M16 Sharpshooter... Isang tirador na asintado sa puso ng ating gorgeous coordinator at tuluyan ngang bumihag sa kanyang damdamin... Or is it the other way around... Mabagsik rin atang kumander itong si Anntukin... Pero ok lang, may next time pa naman para makilala ang naturang bida man... It's good to bida man... Basta, ang masasabi ko lang, malamig sa Baguio, kailangan ng hug... :-)
Anyway, mabalik tayo... Dahil nga namiss agad namin ang isa't isa, at dahil na rin sa mapagmayabang na sampung pisong ticket ng Cebu Pacific, nagpasya ang mga pasaway na bumiyahe sa Bohol... Ganun lang kadali... Walang kiyeme... Eto ang maganda sa grupong ito eh, walang arte, basta niyaya at gustong sumama, game... Hindi yung gumagawa pa ng kung anu-anong dahilan... Lahat siguro kami'y may nunal sa paa... Sadyang aligaga... Ngunit bago pa kayo magtanong kung sinong naghanda, uunahan ko na kayong magtanong...
Bakit si Anntukin ang namuno sa paghahanda sa Bohol trip nitong nakaraang August 8-12?
A. Dahil likas na mabait at mabusisi sa mga detalye si Anntukin...
B. Dahil sa kanya ipinangalan ang resort na aming tutuluyan (Alzona Kew)...
C. Dahil first time niyang lilipad, kaya't gagawin niya ang lahat maging memorable lang ang kanyang "first time"...
D. All of the above...
Hmm... Mahirap ito... I'm torn between Letters A, B, and C... Ano nga kaya... Sige na nga, Letter D na lang... Iba talaga si Anntukin... Daming birds na napupukol... :-)
May ilang araw bago ang nakatakdang paglisan ng Batch 1, nagpadala ng e-mail si Pong sa mga kasama niyang magbabakasyon...
Pong: Sa kasamaang palad, kailangan ko nang umatras... :-( Sa kabutihang palad, mababalik sakin ang pera ko... :-) Specialty nila, tarsier... mag-uwi kayo ha... :-) yung may pinakamalaking mata... :-)
Nasabi ko na rin naman kay Anntukin at kay Jode (hereafter referred to as Champ dahil siya ang World Champion at gaya ng sabi ni Cena, the Champ is her...), dalawang beses ko na rin kasing napanaginipan na mag-crash ang eroplano pabalik ng Manila... Oo, natakot ako... Duwag ako... Sabay harap kay Champ, duwag ako... Ikaw na ang bulabugin ng ganoong panaginip... Samahan pa ng isang panaginip kung saan niyayaya ka ng iyong inang magbakasyon sa isang malayong lugar... Makapanindig balahibo... Dali-dali kong hinagilap si Bibi a.k.a. the Rock, my refuge, my strength, for the last 7 years... At tinawanan niya lamang ako... Nagpapaniwala raw kasi ako sa mga panaginip... Kaya't nang makatanggap ng mga samu't saring sagot sa naturang liham gaya ng...
Calai: Bakit di ka na sasama Pong?? :-(
Boinks: Baaa???? Bakit hindi ka na sama??? Huhuhuhuhuhuhuhuhu :'( panu na yun plano nating isa isahin ang mga lugar dito?
Wee: Walang atrasan... tsk!
Champ: Ah iwanan na? :-(
Anntukin: Teka teka teka... ano ito ha?! At sino naman may sabing may refund ka kung di ka makakasama?! =P Bawal po magbackout... wala sa bokabularyo natin yun... lalo na ngayon... =P
Pinili ko na lamang daanin sa biro na mariin namang sinakyan ni Anntukin...
Pong: Napanaginipan ko kasing may mang-re-rape sakin sa bohol... Isang maligalig na tarsier... Nag-iingat lang po... :-P
Anntukin: Hahaha... tsk tsk tsk... kung napanaginipan mong may mang-rape sayo... wala na kong magagawa dyan... ingats ka na lang siguro sa maligalig na tarsier (a.k.a jobe?!) hehehe... peace! Dala ka ng trunks... mga tree trunks... hehehe gusto ng tarsier yun!
At dyan nagsimula ang lahat... Ang dating Champ ay tatawagin nang Tarsy... O Tars... Depende sa paggamit... At handa na nga tayong dayuhin ang Bohol, hometown ni Tarsy...
~
Post a Comment
8:27 PM :: Baba (ponggoloids)
tsk tsk.. ganda ng umpisa ah.. anak ng tinapa! pano napunta dun ung ending :P abnormal ka talaga! nagbenta ka na naman ng di nagpapaalam.
Mga hinuha ni noong 8/17/2006 5:31 PMchampoy! from the root word champong... how are you my friend? musta na yung stalker mo? :-)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 8/17/2006 8:33 PM
Post a Comment
<< Home
8:27 PM :: Baba (ponggoloids)




