<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Quickie - Look Who's Stalking

Friday, November 18, 2005
Sa kahahanap ko sa baristang kinahuhumalingan ko noong nakaraan, heto at malapit ko nang makuha ang 2006 Starbucks Planner... Opo, apat na stickers na lang... Ngunit sadyang mailap ang naturang barista... Ilang bisita na rin sa Starbucks ang pinagkagastusan at patuloy pa ring inaalat ang aking pang-iistalk... At kanina, nang di ko na inasahang makita siyang muli, akalain mo nga naman, naroon siya... At siya ang naghanda ng inumin namin ng aking kasama... Talaga naman...
~
Post a Comment
<< Home

11:59 PM :: Baba (ponggoloids)