NagkaBohol Bohol, Kabanata 2
Saturday, August 19, 2006
Eto na... Eto na ang pinaka-feeling na entry sa buong history ng blog na ito...Nagkita-kita kami nila Rage, Anntukin, at Memen sa office... Sabay-sabay na kaming pumuntang domestic airport... Dahil malapit na rin naman nakatira doon sina Marga at TarTar (the artist formerly known as Tarsy), dumeretso na lang ang dalawa sa naturang airport... Wala... Walang notable na nangyari habang nasa papasok kami ng airport... Hay... This is shaping up to be a "normal" lakad...
Maaga-aga rin kaming dumating sa airport, kung kaya't naghintay pa kami ng halos isang oras, lalo pa't nahuli ang aming flight dahil sa wala pa kaming eroplanong sasakyan... At dahil gutom na si Marga, napagpasyahan niyang kumain na lamang habang naghihintay... Hindi ko alam kung saan sila bumili nila TarTar at Anntukin, pero mukhang hindi kaaya-aya ang kanilang naging karanasan sa pagkain sa airport... Buti na lang at nag-Cheezy Bacon Extreme na ako sa office...
May kakaibang pakulo sa Cebu Pacific... Para daw maging masaya ang biyahe, may inihandang palaro ang mga stewardess... Cebu Pacific trivia raw... Sa bawat tamang sagot sa mga katanungan, may premyong cellphone case... Nasa huling tanong na ang mga stewardess...
Colette: And for our last trivia, name the 3 flight attendants... (Nagtaas ng kamay si Pong, inaabot ang switch ng ilaw...) serving you this flight...
Lumapit si Mina kay Pong...
Pong: Cher, Mina, Colette...
Mina gives Colette the thumbs up sign and hands Pong the cellphone case together with a small sheet of paper asking for his name, address, and mobile number...
Rage: (May kakaibang ngiti) Akala ko may inaabot ka lang...
Pong: Hehe...
Ayan ha, si Mina humingi ng number ko... Baka isipin niyo na naman nambababae ako... :-P
Sa totoo lang, inaabot ko lang naman yung switch ng ilaw, di ko pa kasi nakita kung anong hitsura ng ilaw na yun kapag nakabukas... Sige na nga... Natapos na ang apat na tanong, wala pa rin kaming napapanalunan, kaya't naisip ko na lamang na magmagandang loob, para naman hindi kahiya-hiya ang Batch 1... Parang may bumulong kasi sa akin ng tamang sagot, kaya ayun, may cellphone case ako... :-)
Habang nasa eroplano, may nakita kaming kakaibang tsupon sa bandang itaas... At dahil sa kasabikang matuto, pero sa totoo lang, dahil sa pagkamausisa, pinatanong ko kay TarTar sa stewardess kung para saan ang mga naturang bagay. Kung nakakita na kayo ng bote ng Brown Cow, mistula ganoon ang nabanggit kong tsupon... Malay ko ba naman kasi kung ganoon na lamang kaganda ang serbisyo ng Cebu Pacific para magbigay ng free-flowing Brown Cow... Yumminess... Kung kaya't gayon na lang ang aking pagkalungkot nang malaman kong hindi tsokolate ang nilalabas ng naturang tsupon kundi hangin, nang binuksan ito ni Mina... Sa kasamaang palad, dahil sa kalbo ako, madaling ginawin ang aking bunbunan (naks, feeling baby...), bigla na lamang akong sinipon... Hay... This could be the end of something beautiful...
Hmm... Nakarating kami sa Alona Kew around 2pm... Hinanap ni Anntukin ang kanyang contact person na si Lucky, na bigla na lamang nagpakilala...
Lucky: Hi, I'm Lucky...
TarTar: (Biglang kumanta) She's so lucky... She's a star...
Sadyang ganyan ka-brutal si TarTar... Harap harapang tinabla ang receptionist... At hindi pa yan pabulong nung kinanta ha... Kaya't ganun na lamang ang pagkasaya namin nila Rage habang hinihintay si Anntukin na ayusin kay Lucky ang aming accomodations... Sabay-sabay na pabulong na kumakantang "Isn't she lucky, this hollywood girl..."
Kumain kami ng late tanghalian sa resto sa tabi ng resort... Mahal ang pagkain... Hindi sulit... At habang hinihintay ang aming kakainin, napansin kong may dalawang babae sa may balcony ng building sa tapat ng resort... Nakatingin sa aming direksyon... Sige lang, tingin lang kayo... Matapos kumain, pumunta na kami sa aming kwarto, at nang mapadaan nga sa tapat ng resort, napabulong si TarTar...
Jode: Naku, may nakatingin sa direksyon natin nung papasok tayo ng resort...
Hay... Ayan, ganyan kalakas ang dating ni TarTar... Lakas sa mga chikas... :-) Sige na nga, kaya talaga ako sinipon, natutunaw na unti-unti, kakatitig ng kung sino-sino... Mula sa eroplano, hanggang sa resort... Hay na lang...


