<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Bibiholic Is A Thankful Big Bird

Saturday, September 15, 2007
Heto na naman ang puso ko... Tumitibok-tibok at mayroong binubulong...


Actually, nagpapaka Ogie "The Big Bird" Alcasid na naman ako... Kung bakit siya big bird, eh kasi yun ang tagline ng concert nila ni Regine Velasquez... "The Songbird Sings to the Big Bird"...


Anyway, heto na naman tayo at hindi ko na naman makuhang matulog... Excited na naman... Parang first time kong pupuntang SG... Grabe... Excitaloo... Kakaibang rush!


Kaya't nakipag-chat na lang muna ako... Kay Irish (gf ni bestfriend Aljer) at kay Jode (gf ni ----, hopia mani popcorn, ang clue, may letter R!!!)... Maya-maya'y tumawag ang aking pinsang si Ate Baba, nasa Malaysia daw siya at nagbabalak na sugurin ako sa bahay... Ang nasabi ko na lang, "Oh no! I already made plans... Pupunta akong SG mamayang umaga..." Kaya't natulog na lang siya at ako'y nagpatuloy sa chat...


Huling tingin sa oras, 5:00AM... Konting tiis na lang... Naka-set naman kasi ang alarm ng 5:30AM... Nagising ako... Madilim... Tumutunog ang alarm... Akalain niyo nga naman... Pinagbigyan pa akong makatulog!


At ako nga'y nakarating sa bus stop around 6:20AM... Kung hindi ako nagkakamali, 6:30AM ang unang trip papuntang P. Sentral... Batay yan sa matinding mathematical analysis sa nakaraang entry tungkol sa una kong pagpunta sa SG...


Oh boy... Nagkamali ako... Matinding kaba na ito... 6:45AM na, wala pa ring bus... Kailangan makarating ako ng 8:00AM sa Hotel Corus, baka may bakante pa sa unang trip... Kailangan umabot ako, para more chances of winning... Madilim pa naman dito, paano na lang kung may biglang dumakma kay big bird... At sa isang iglap, dumaan sa aking diwa ang mga pangitaing hindi kaaya-aya... Huwag po, huwag po! Wala akong mukhang maihaharap sa madla... :'(


At, biglang umulan... Dinadamayan na ako ng langit... At napabulong na lang ako... "You're pushing it too far... Trying your luck for the Nth time... Sooner or later, you'll run out of it..."


At napabuntong hininga ako... Napangiti... Napatingin sa madilim na langit... "That's what makes all of this worthwhile..."


Huwaw... English!


Tumila ang ulan, dumating ang bus, at nakarating ako sa P. Sentral ng 7:00AM... Nakahabol sa 7:00AM bus papuntang KL Sentral...


Natutulog ba ang Diyos? Hindi... Andyan lang Siya, nakabantay sa'kin... Thank You po... Sobra! Dahil umabot ako sa 7:00AM bus, hindi ako naulanan, at buo pa ang aking dangal... :-)
~
Post a Comment
<< Home

7:13 AM :: Baba (ponggoloids)