Bibiholic Goes To Singapura
Thursday, August 23, 2007
Hindi ko na babanatan ng mga timestamp ang entry na ito... Hindi kinaya ng powers kong tumingin ng makailang ulit sa phone ko para makita ang oras... There's so little time... So much to do... I'd rather spend my day with you...Simulan natin sa pag-uwi ni Pong mula sa trabaho... Pumasok siya ng kwarto... nagligpit ng gamit... Nag-impake... At natapos siya ng bandang ala-una kuwarenta'y singko ng madaling araw... Humiga... Napikit... Di makatulog sa kaiisip... Excited ang drama ng lolo niyo... At may halong kaba rin yan... Excited dahil, after 3 long months eh makakasama na uli niya si Bibi... Kabado dahil, sa panahon ngayon, bawal magkasakit... Bawal ma-late... Bawal tamarin... Bawal madapa... At higit sa lahat... Bawal mang-chicks... Charing! Forever bawal mang-chicks noh!
Anyway, dahil nga di makatulog at sa takot na baka mapasobra naman ng tulog kapag nakatulog nga ang hindi makatulog... Napagpasyahan ko na lang na laruin ang aking Leon... Napakasarap laruin nito... Laro lang ng laro... Hanggang sa tumirik ang aking mga mata... Huwaw... Hebeng heben... Heaven na heaven... Once you pop, you can't stop...
At dumating na nga ang takdang oras ng pag-alarm nila Bond at 6230... Ligo... Bihis... Alis...
Ang aga ko sa bus stop... Tipong 5:30AM ay paalis na ako ng bahay... Siguro'y 7-minute walk papuntang bus stop... At doon nga'y naghintay akong dumaan ang bus... Akala ko kasi'y 6:00AM ang unang trip... Tama ang aking akala... Akalain mo, ang akala kong 6:00AM trip ay mula P. Sentral papuntang Cyberjaya pala... Ang naturang bus ay iikot pagdating sa dulo, kaya't siya na ang 6:30AM trip mula Cyberjaya papuntang P. Sentral... Walang 6:00AM trip sa rutang ito... Anak ng tinola... Sa makatuwid, by mathematical induction, isang oras akong naghintay sa bus stop!!! Ayus lang naman, nakikinig naman ako sa mga MP3 ni Bond, kaya ayun, napapakanta... At dahil nga ako lang mag-isa sa lugar na yun, aba naman, todo ang emote... Kasama ang mga kuliglig, kami'y nagkantahan... "The struggle could be over now... This time..."
At kumusta naman, nilagpasan niya pa ako... Kundi ba naman isa't kalahating engot, nakow! Kaya't ayun, naglakad pa ako some more... Nakarating ako sa P. Sentral around 6:40AM, at umalis ang bus papuntang KL Sentral around 7:00AM...
Traffic, as usual... At muntik pa kaming mabangga dahil sobrang tutok yung bus namin sa kotse sa harap... Barubal... Nakarating ako sa KL Sentral around 8:00AM...
Ang trip ko ay aalis ng 9:00AM... Pero kailangan, 15 minutes before, nandun na ako... So nag-escalator ako paakyat sa LRT station... Nasa bandang kanan ako at ang maleta ko nama'y nasa kaliwa... Nang makarating sa taas ay binangga ako ng nasa likod ko... "Faster!" sambit niya sabay lakad ng mabilis palayo... Patuloy ang paglakad ko habang nakatitig sa kanya... Isang lalaking mala-Epi Quizon ang hitsura... Lampayatot na may mahaba at gulo-gulong buhok... Obvious namang nagmamadali siya... At obvious ding asar siya sa akin dahil nakatitig din siya sa akin habang mabilis siyang naglakad palayo... Hindi naman ako umiwas ng tingin... Dahil sa mga ganitong sitwasyon, tumataas ang yabang ko... Kagagaling ko lang ng gym kagabi at ramdam kong may babanatan ako ngayon... Idagdag mo pang fashionista ako today... Mangyari kasing naka-shades pa ako at blazer... (Shades dahil malaki ang eyebags, blazer dahil nilalamig kaninang madaling araw...) Bagong ahit pa... Kumbaga, porma galore ako nun... At dahil hindi rin matinag si Epi, inalis ko ang shades ko habang naglalakad papunta sa direksyon niya... (Cue in Saliva's I Walk Alone a.k.a. Batista's theme...) Aba, sinong tinakot niya, eh mukha naman siyang pipitsuging gago... Ako, mukhang Pilipinong gwapo... Nang ma'y ilang segundo pa'y... Tonk! Nabangga si Epi sa isang basurahan... Ako'y napangisi, sinuot muli ang shades, at naglakad na palayo... Ang moral of the story? "Ang taong laging nakatingin sa pinanggalingan, mababangga bago makarating sa paroroonan"... Pwede ring "ang taong nambabangga, eh mababangga rin balang araw"... Pero mas gusto ko atang "ang taong mas ma-porma pa rin ang laging nananalo sa huli ng Best in Angas"... Bow...
Kumusta naman, pag-akyat ko sa platform ay... Kaboom... Napakahaba ng pila... Well, kung nakita niyo na ang pila sa LRT sa Pilipinas kapag peak hour, yung pila pagbili ng ticket... Ganun ang pila, kaso, hindi sa pagbili ng ticket, kundi sa bawat pinto ng tren... Syet... Mukhang mapag-iiwanan ako ng bus papuntang SG...
At dahil mayaman ako, nagpasya akong mag-taxi na lang papuntang KLCC... Traffic pa rin... At sa awa ni Lord, nakarating ako sa Corus Hotel saktong 8:45AM... Sinong mapalad? Sino ang tunay na bading?!
Ngayon nga'y nasa bus na ako, gumagawa ng entry na ito... Maya maya pa'y matutulog na rin... Para may lakas, nakakahiya naman kay Bibi kung mukhang not enough vitamins ako mamaya...
And now, Bibiholic goes to Singapura...
~
Post a Comment
9:15 AM :: Baba (ponggoloids)
inalis ko ang shades ko habang naglalakad papunta sa direksyon niya... (Cue in Saliva's I Walk Alone a.k.a. Batista's theme...)
-> hahahahaha buti na lang hindi ikaw ung nabangga sa basurahan :p baka na love at first sight sayo si epi kaya siya hindi natinag. kaw naman oh :p siya ang tunay na bading :P
haha... grabe, peak hour sa interchange... tapos mababangga ka sa basurahan... kahihiyan en grande... buti talaga siya yun... :-)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 8/29/2007 11:35 PM
Post a Comment
<< Home
9:15 AM :: Baba (ponggoloids)




