Baby, Baby, Baby O...
Sunday, January 22, 2012
Natanong ako noon, alala ko pa... Tagal na nun, bago pa lang ako sa opisina sa unang kumpanyang aking pinaglingkuran... Siguro 4 months pa lang... Natanong nila... Bakit ako nagpapahaba ng balbas... Simple lang naman ang sagot dyan... Para maranasan ng girlfriend ko kung anong feeling na halikan, mahalikan, at makipaghalikan sa isang lalaking may bigote't balbas... At least di na siya ma-c-curious pa... At least alam na niya ang feeling at difference ng kiss sa may bigote't balbas kaysa wala... Naalala ko pa nga... Kung minsan nasasabihan na akong mag-ahit, kundi wala akong kiss... Ang sagot ko? Eh di wala! Bahala kang manuyot yang mga labi mo... Akala niya siguro di ko siya matitiis... Oh well... Syempre, di niya ko matitiis... Sa huli, may bigote o wala, may kiss pa rin... Ganun yata talaga ang ikot ng mundo...At lagi ko ngang hirit noon kay Bibi - hindi pa ipinapanganak ang taong makapagpapa-ahit sa akin araw-araw...
Noon yun... Yung girlfriend ko noon, kumander ko na ngayon... Ay mali, misis ko na ngayon...
May ipinanganak noong January 20, 2012, at tumiklop na ako... Walang kalaban-laban...


