Baba VS Bibi v.201004
Tuesday, May 11, 2010
Nangyari ito noong April pa at lagi kong nalilimutan (well, kinakalimutan) i-post... 
Habang nagkukulitan sa grocery...
Bibi: Ikaw... Lagi mo kong niloloko...
Baba: Aba, kailan kita niloko...
At agad-agad nga, pagkalabas sa bibig ko ng mga salitang yan... Nanlaki ang mga mata ko at napakagat labi bigla... (In short, medyo nainis ako sa sarili ko, medyo lang...)

At sa inaasahang pagkakataon, at dahil na rin isinubo ko ang sarili ko sa... Anak ng pating naman talaga o...
Bibi: Kailan?! Tinatanong mo talaga yan?!

Kumbaga sa lotto, hindi lang ito basta palit ticket... Parang nanalo ng jackpot si Bibi!

At ako nga ay natahimik na lang... Ngingisi ngisi... At walang tigil nga ang paghirit ni Bibi...
Bibi: Alam mo, yung hirit na yun, 10 points yun!!!
Pambihira! Pero dahil blog ko ito,
na lang ang ilalagay ko... Lugi kung 10 points agad eh! 
2010 Standings...
Bibi - 1 +

Baba - 4


