<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Baba VS Bibi v.20100227

Saturday, February 27, 2010
Naglilibot kami sa ION nang maisip ni Bibi magyabang...

Bibi: Dapat talaga under kayo sa'min eh... Kita mo yung pangalan niyo, nasa loob lang ng pangalan namin... Men, nasa loob ng Women...

Aba aba... Rumaraket ng points...

2010 Standings...
Bibi - 2
Baba - 1


Sandali lang, wag munang magpalakpakan... Likas namang mabilis akong mag-isip, kung kaya...

Baba: Kaya nga hindi niyo kaya na wala kami eh... Ano kayo, WO?!

Dahil nasupalpal ang hirit ni Bibi, heto na ang tamang tala...

2010 Standings...
Bibi - 1
Baba - 2

~
Post a Comment
<< Home

7:00 PM :: Baba (ponggoloids)