<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Pop Fiction

Wednesday, June 03, 2009
2 weeks ago, napatambay ako sa MPH (Em-Pee-Heych) habang hinihintay si Bibi (dinner out kasi kami nun) nang ako'y mapasailalim sa napakalalim na pag-iisip...

Naligaw kasi ako sa mga rack na may nakasulat na "Popular Fiction"... Naaliw naman ako, kasi nandun yung Twilight (na pinagbibidahan ng mga Culleng sina Edward, Macaulay, Farrell, Firth)... Naibulong ko tuloy sa sarili ko, "aba, popular nga!"

Pero, medyo na-derail ang aking pagkahanga dahil sa mga nakita ko...


Ayan si Dean Koontz... At kung ang pagbabasihan ay ang nasa cover ng libro, The International Bestseller daw... Kilala niyo ba siya? Ako, hindi... Pero nasa popular fiction to eh... Hmmm...


Ayan, si Ian Rankin... At, once again, kung titignan ang cover, The Number One Bestseller daw... Kilala niyo? Pambihira, nasa popular din yan, pero wala akong idea...

Matapos nga ang dalawang pangalang yan, napaisip na ako... Ano ba yung "bestseller"? Yung may-akda? O yung isinulat niya? Sorry, dumb-dumb talaga, pero clueless ako pagdating sa ganyan... Pero naliwanagan naman ako nang makita ko ang mga ito...



Si Nora Roberts... Hindi lang "The International Bestseller"... Siya rin ang "No. 1 Bestselling Author"... Best na, No. 1 pa... San ka pa? Eh di sa... Popular Fiction!


In fairview naman, baka sabihin niyo masyado na akong nangmamata... Andun din naman sa section na yun ng bookstore yung sikat na sikat na...


Si Paulo Coehlo... At ang kanyang makukulay na mga aklat... Ayan, medyo sikat na yan... Sa sobrang pagkasikat, maraming nagpapanggap na nagbabasa sila niyan... Haha!

Oh well, dahil tinatamad pa akong basahin ang Twilight (at dahil wala pa rin naman akong kopya), pagtitiyagaan ko muna ito...


Ahem... That is not an erotica book... That is a book on friendship... Wushu! Haha!

~
Post a Comment
<< Home

7:35 PM :: Baba (ponggoloids)