Buwan v.20090606
Saturday, June 06, 2009
Nakakatuwa yung banyo namin dito... Ang ganda kasi ng view ng bintana...Nope, hindi ako nakakakita ng kung sino mang babaeng hubad sa kabila...
Nakikita ko ang buwan...
At dahil nga normal shift (APIS/APT), naaabutan ko pa ang buwan sa tuwing maliligo ako bago pumasok...
At kung papalarin (o mamalasin, depende sa kung maraming trabaho) na makauwi nang nakalubog na ang araw, nakikita ko ang buwan sa aking paglalakad sa labas pauwi...
Fan ako ng buwan... Mula pagkabata... Hindi ko alam kung bakit pero nakakatuwa talaga...
Iba ang pakiramdam...
Bago pa man napansin ng iba, naisip ko na siya... At kanina nga ay nasa banyo ako nang mapansin kong may kakaibang liwanag sa labas...
Hindi pa gaanong buo, tila may kakapritsong kulang pa sa bandang ibaba... Malamang bukas pa ang full moon... O maya-maya...
Pero madilaw siya ngayon... At sa isang langit na tila nilubayan ng mga ulap ngayong gabi, ang ganda ng buwan...
Masarap pagmasdan... Magaan ang pakiramdam...

Paglipas ng araw, pangarap ko'y ganap
Ako'y iyong nasa isip, ako'y hanap-hanap
Di raw panaginip, sa isang iglap
Magkasama tayo, sa alapaap
Hawak kamay at
Sabay na humahanga sa
Ganda't liwanag ng buwan
Ako'y iyong nasa isip, ako'y hanap-hanap
Di raw panaginip, sa isang iglap
Magkasama tayo, sa alapaap
Hawak kamay at
Sabay na humahanga sa
Ganda't liwanag ng buwan


