Missing Graduations
Saturday, April 11, 2009
Ok, so this is one weekend na hindi dapat mangyayari... I wasn't planning on going home for Chinky's graduation dahil nga bagong lipat lang ng work... May mga leave na rin naman, pero hiya ko na rin lang lumiban ng matagal sa trabaho...Pero nung minsang tumawag ako sa bahay, natanong ni Daddy kung uuwi ako para sa grad... Isang sabi mo lang Dad, book na agad! Ilang beses ko na rin naman kasing natanong kung kailan ang naturang graduation... April 3 daw, 7AM. Ilang beses rin nilang sinabi na April 3... Si Daddy mismo pumunta na sa school at nakita na April 3. So April 3 na nga...
Nag-file ako ng leave para sa April 3... Pumayag agad ang amo ko... Nagbook agad ako ng EconoLight flight ng PAL... At nang matapos ang booking, nagtext agad ako kay Chinky at Daddy, April 3 ng 4AM lapag ng eroplano...
The following day, tumawag si Chinky, April 2 na daw ang graduation... Anak ng tinola! Pinakausap niya sa'kin yung babae sa registrar at yun mismo ang nag-confirm na na-move na at nag-sorry pa na hindi daw naayos ang sched... Nakailang sorry siya bago ako napuno at nagsabing "di niyo naman babaguhin yung sched nyan dahil uuwi ako eh, so wala na tayong magagawa dyan"...
Seryoso, badtrip ako... Pero hayaan na lang...
Pero umuwi pa rin ako, nag-celebrate a day after ng graduation... Masaya rin naman makita yung dalawa... Pareho nga lang nahihiya magpa-picture, pero sige, masasanay rin kayo! (Palibhasa ako walang hiya!)


