Body Shop-er
Saturday, April 11, 2009
Matagal tagal na akong di nakakapagshopping... Actually, simula nung dumating ako dito sa SG nung Feb 21, di pa ako gumagastos para sa mga kabalbalan ko...Kaso, dumating ang March 10... May problem kasi ako... Paubos na yung Puma Create na gamit ko dito... At wala naman akong mahanap sa Guardian o Watsons nung ginagamit ko sa Malaysia...
At dahil wala na talaga akong bagong magustuhan, binili ko na yung scent sa Body Shop na matagal ko nang gusto... Kistna... Napabili rin ng kung anu-ano para maging member...
At sa unang pamimili, nakakuha na ng S$10 rebate...
Fast forward to March 30, dahil nga uuwi ako sa Pinas, kailangan bumili ng pasalubong... Actually, nagpabili yung kapatid ni Bibi, so bumili na rin kami ng pasalubong para sa iba pang mga kapatid...
At ang kinahinatnan? Damage sa credit card! (Nagasgasan dahil na-swipe... Haha!)
At ang maganda namang nangyari dito? Nakakuha ng S$10, S$15, at dalawang S$20 rebates... And it all adds up to S$65!!!
Ang saya mag-shopping!


