<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Rainy Day ang Monday

Monday, March 02, 2009
Una sa lahat, pangit ang Monday... Dahil si Bibi ay afternoon shift, ibig sabihin, pag-uwi ko, lonely boy ako... Well, nandyan ang housemates, pero syempre, iba pa rin pag kasama ko si Bibi... Hay...


Ikalawa, dahil nga wala si Bibi, breadtalk na naman ang dinner ko... Kailangan na talaga mag-grocery!


Ikatlo, biruin mo nga naman, lunes na lunes eh nagcrash ang primary production server... Eh di kailangan ng reboot... Natural, kailangan i-startup ang mga job... Takte... Inabot na ng 1pm...


Ikaapat, 1pm na ako naglunch! Well, di ako masyadong magrereklamo kasi yung amo ko eh sa cube niya naglunch... Tinapay lang... Syet, kinabog ang diet ko!


Ikalima, paglabas ko pauwi, tirik na tirik ang araw at ang laki ng patak ng ulan... Pambihira naman... Pwede bang mag-decide kung magpapainit o mambabasa? Kailangan sabay? Hay...


Ikaanim, siksikan sa MRT pauwi!!! Bwiset talaga! Minsan na nga lang ako umuwi ng maaga, ganyan pa...


Ikapito, nagcrash ang YM ko pag nag-YM voice! Bwiset talaga! Di tuloy ako makakuha ng chika updates kay Jodai...


Ikawalo, pinamukha pa ni Jodai... "sayo na ang pinakawalang kwentang YM sa araw na to :D"


Ikasiyam, ang hinayupak na last pay ko eh hanggang ngayon ay missing in action pa! Pambihira talaga, alam naman nilang aalis ako ng bansa nung Feb 21, naisip pa nilang i-cheque ang sweldo ko nung Feb 25? Nuknukan ng kaewanan! Tapos di pa sumasagot sa mga email at tawag. Pera yan, root of all evil...


Ikasampu, gusto ko nang magwala! Mainit ang ulo ko!


Sa kabilang dako... May poknat na ang Merlion! Tinamaan daw ng kidlat... Kawawa naman...


Hay, nakaka-drain!!!!!!!!!!!!!!!!

~
Post a Comment
<< Home

3:08 PM :: Baba (ponggoloids)