Mahigpit na Ipinagbabawal
Friday, February 13, 2009
Mga ilang ipinagbabawal ni Pong Pagong..1. Bawal umiyak... Kung iiyak ka, siguraduhing may nakahandang yumakap sa'yo... Ako laging nakahandang yumakap... (Di ko habit magpaiyak ha! Although may nagsabi sa'kin nyan dati...) O ha!

2. Bawal mambitin... Kahit ano pang larangan yan... Sa pagkain... Ang taong gutom, bawal alukin ng isang pirasong Chocnut... Mag-aalok ka na rin lang, iabot mo ang buong plastik! Same goes sa kwentuhan... Wag sisimulan kung di balak tapusin... Pwede ring wag nang banggitin kung di rin naman pala para sa taong pinagbanggitan ang naturang kwento... At kung saan pa applicable...

3. Bawal mag-sorry pag di naman kailangan mag-sorry... Nawawala kasi yung essence nung salita eh... Tuloy, when you really mean it, parang di na mawari kung totoo ba or saying it out of habit...

4. Bawal mang-away... For world peace na rin... Mas masaya naman kasi na walang kasamaan ng loob... Tsaka, it's better to make love, not war...

5. Bawal mang-iwan... Kung pwede lang, isama mo kaming lahat sa mga pangarap mo... Wag kang selfish... Seryoso, kung iiwan mo rin lang, bakit mo pa sinamahan?

6. Bawal magpaiyak... Lalo na kung yung papaiyakin mo eh nasa public na lugar gaya ng office, school, LRT/MRT... Pahihirapan mo pa sila maghanap ng cubicle na pagmumukmukan kung saan di sila makikita ng iba... Buti sana kung laging may CR na malapit...

7. Bawal magsabi ng hindi naman ni-mean... Don't say "happy birthday" to someone if you're not really wishing him a happy one... Don't say it because it's customary... Classic example yung "I love you"...

Ang dami kong kabalbalang naiisip... Wala pa akong iniinom na gamot nyan ha... Pero may sense naman yung iba... Di ba?


