<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Of Love Letters and Shared Moments

Thursday, January 08, 2009
"Kapag nasabi na ang lahat ng masasabi, di pa rin nasasabi ang pinakamahalaga..."

Or something to that effect...

Actually, ang gusto ko lang sabihin eh, may point yang statement na yan... Pero, somehow, gusto ko ring patulan... I mean, oo, di pa nga nasasabi ang pinakamahalaga, pero alam mo yun, yung challenge ng pagkakahon sa salita ng mga mahahalaga na yun... Yung paghanap ng paraan para ma-convey mo yung mga yun... At yung pagsabi dun sa sasabihan ng mga gusto mong sabihin... At yung pagkamulat niya sa mga bagay na kung minsan ay tinatanggap na lang na nariyan, pero yung pagpapamukha mo sa kanya sa pagpapahalaga mo sa kung ano mang mahalaga...

Wala, maganda yung pakiramdam...

So kung may magbigay man sa inyo ng love letter, tanggapin niyo... Malaking challenge ang pagsulat nun... Mahirap ikahon sa mangilan-ngilang salita ang mga gustong ipadama... A for effort? Hindi naman...

Unawain mo... Sa gulo ng isip ng bawat tao, nakuha ka pa nilang pahalagahan...

Nagliligpit ako ng gamit ko kagabi nang makita ko yun... Naalala ko nga... Nakatanggap ako ng love letter nung pasko... Actually, dalawang love notes yun (na nakita ko nga ulit kagabi) at isang love letter (na naiwan ko naman sa'yo)... Matagal na akong di nakakabawi sa'yo, pero salamat... Yun ang pinakamagandang regalong nakuha ko... *HUGZ*

At may chocolates pa... Love letter at chocolates... Hay...

~
Post a Comment
<< Home

1:23 PM :: Baba (ponggoloids)