<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Home Alone

Sunday, January 25, 2009
Oh yes... I'm home alone...


May pasok kasi si Bibi, 2pm-11pm... Well, dati, pag may pasok si Bibi, sasabit ako sa lakad ni Jode o ni Jojo... Ayaw ko lang rin siguro makulong sa bahay...


Pero ngayon, ewan... Ang daming pwedeng gawin eh...


1. Work... Nagdala ako ng mga dapat kong i-QC at isang change request na dapat kong gawin... Pero tinatamad naman ako... Pero kailangan ko rin naman sila gawin eventually... Hay... Pero kasi, kung kayang gawin ng iba, ipagawa mo sa kanila... Di ba?


2. Go out... Wala nga lang akong mahahagilap na kasama ng last minute... Gusto kong mag-mall hop pero tinatamad naman ako gumastos... I mean, part ng mga plano ko for 2009 eh magtipid at medyo nasanay na rin akong wag gumastos... So para saan pa ang paglilibot sa mall kung wala naman akong mapapala? Gusto ko rin mag-bilyar pero babalik na naman ako sa premise na ayaw kong gumastos... So paano ako magbibilyar? Sana may manlibre sa'kin...


3. Watch movies... Well, maraming na-download... Maraming pwedeng panoorin... Pero kasi, nasasayangan naman ako sa mga panahong ganito kung manonood lang ako... I mean, pwede naman ako manood anytime nasa bahay ako sa Malaysia... So bakit ako manonood dito?


4. Read books... Well, a couple hundred pages na lang at matatapos ko na yung Eldest... At gusto ko nang matapos yun para naman matuloy ko na dun sa third book... Pero namimiss ko na tumambay sa Starbucks... Yung bibili lang ako ng Venti Hot White Choco at mag-uubos ng oras habang nagbabasa... So kung magbabasa man ako, hindi dito sa bahay... Di ko ata kakayanin (well, inuwi ko sa Malaysia yung libro at hindi ko nga siya nagalaw)... Unless magtimpla ako ng sarili kong kape... Wenk...


5. Install apps kay Blue... Dahil bagong reformat si Blue (toylet ni Bibi), kailangan kong mag-install ng samu't saring bagay sa kanya... At nararapat lang na gawin ko yun habang wala si Bibi... Para nga naman di ko ma-interrupt ang quality time nilang dalawa... Pero tinatamad pa ako... I mean, alam ko naman na ang kailangan kong ilagay... Click click na lang yan at tapos na... Baduy...


6. Sleep... Masaya sana yan... Ang problema lang, pag natulog ako ngayon, malamang sa malamang eh hindi ako aantukin mamaya pag-uwi ni Bibi... So matinding puyatan na naman yan... At pag nagkaganun, late na ako magigising bukas... At wala na namang mangyayari sa araw ko if ever... So bawal to, for now...


7. Muni-muni... Ok to... I mean, ang daming pwedeng pagmunihan ngayon... Pero narealize ko lang... Kung nangyari na, para saan pa't pasasakitin ang ulo kaiisip ng mga pwede sanang nangyari? Tapos na eh, may mababago pa ba? Kung nakatakdang mangyari, hindi ba't dapat hintayin ko na lang at wag ko nang pag-aksayahan ng panahon pag-isipan? So minsan, parang hindi na rin pala worthwhile endeavor ang pagmumuni... Well, unless desperate na at wala nang ibang magawa... Tsaka pag may mga ibang nasa muni mode din, magsama-sama ang mga walang magawa...


Hay... Mukhang mananalo yung sleep...


Promise, bukas dapat marami na akong magawa... Bawal na magpaka-bum...


Zzzz...

~
Post a Comment
<< Home

10:39 AM :: Baba (ponggoloids)