<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Happy AnniBEARsary

Wednesday, January 21, 2009
Ang bilis ng panahon... Hindi ba't kailan lang nung ako'y mangulit... Well, sige, magparamdam... O siya, oo na, manligaw...


Bata pa tayo noon... Matanda ka na ngayon... Pero hindi ka pa rin nagbabago... Makakalimutin ka pa rin...


Gaya na lang noong January 22, 2000... Nalimutan mo atang ako dapat ang magtanong at ikaw ang sasagot... At dahil nga nalimutan mo, ikaw na nga ang nagtanong... At dahil ayaw ko naman i-break ang heart mo, sinagot kita... Ganun lang naman kasimple ang buhay...


Ngayon nga'y 9th anniversary natin... 9 years na si BiBa... Naaalala mo pa ba ang mga pakulo ko tuwing anniv? Siguro hindi ko na malalagpasan yung last year... Ang tagal mo rin kasing inawitan yung mga bulaklak na yun... Sa totoo lang, tingin ko nga dapat di na ko magbigay ng gift ngayon eh... Pero syempre, pwede ba namang magkaroon ng anniv si BiBa nang walang matatanggap si Bibi galing kay Baba?


Cannot!


At nung December 21 nga, nasa Pavilion kami naglilibot-libot... At nakita ko nga ang mga ibibigay ko para sa darating na anniv... Dalawang pares ng cute na cute na bears... Binayaran ko nga at pinabalot... Malinaw sa kanila, magkahiwalay babalutin yung dalawang brown na bear at magkasamang babalutin yung gray na bears... Alam ko na ang ilalagay ko...


December 24, dumating ako sa Singapore... Hindi ka ba nagtaka at mas pinili kong umuwi muna sa bahay kaysa hintayin ka sa Harbourfront at makipagkita agad sa iyo matapos ang iyong shift? Miss na talaga kita, pero malamang uuwi ako para itago yung gift ko sa'yo... Alangan namang isabotahe ko ang sarili ko... At yun nga, inayos ko pa ang paglagay sa paper bag... Nasa ilalim yung dalawang gray na may nakasulat na "MARRY ME?"... Sa taas nila'y ang isang brown bear na may nakasulat na "YOU"... At sa taas niya'y ang isa pang brown bear na may nakasulat na "WILL"...


Hmm... Ang dapat kasi sanang mangyari eh una mong makita yung "WILL", tapos yung "YOU", at sa huli yung "MARRY ME?"... Para ang dating sana eh "WILL YOU MARRY ME?" Ganun dapat talaga yun eh... Gets mo?!


Pero ewan ko ba! Tinawagan kita kanina saktong 12 AM at nawindang ka dahil nalimutan mong anniv na natin... At napahiya ka rin dahil hinanapan kita ng gift mo sa'kin... Wala kang masagot dahil natural, gaya nung nakaraang taon, wala ka na namang gift!


At ang lakas ng loob mong maghanap ng gift from me?! Aba! Sa buong history natin ng anniv gift-giving, hindi mo pa ako natatalo... Feeling mo wala kang gift?!


Wag kang feeling!


At sinabi ko ngang nasa ilalim ng bed mo ang mga gifts mo... At dun nga nasira ang mga plano ko... Kundi ka ba naman isa't kalahating excited, nilabas mo silang lahat agad sa paper bag nang hindi man lang muna binabasa ang mga nakasulat sa card...


So ang ending...


"YOU WILL MARRY ME?"


Pambihira, hanggang ngayon nagdududa ka pa?


Happy 9th Anniversary Bibi... I love you... ¤mwah¤


P.S. Ang cute talaga nila no? - http://mamamiapizzamia.multiply.com/journal/item/22/Proposal_2009


~

    bwahahahaha.. pong! grabe..napatawa ako ng post mo na to (delayed telecast ata sa akin) anyway, congrats :D

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 2/02/2009 4:20 PM  





Post a Comment
<< Home

10:01 PM :: Baba (ponggoloids)