<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Hapong Kay Ganda (HKG) v.20090112

Monday, January 12, 2009
Pambihira, lunes na lunes eh sasalubungin ako ng sandamakmak na kabalbalan...

Tignan niyo 'tong amo namin... May sabi-sabi pang i-copy daw siya sa mga e-mail para alam niya kung anong nangyayari... At syempre, sinabi niya sa amo niya na yan ang kanyang new year's resolution, ang maging involved sa mga proyekto...

Heto na nga, lumapit, nagtatanong tungkol sa project namin... Eh nag-email na nga ako nung nakaraang linggo na ngayong linggo pa maaayos dahil naka-bakasyon pa ang ibang mga kausap, aba, ang matalinong amo biglang tanong sa'kin na tipong nambibintang pa kung bakit walang nangyayari sa project na yun...

Kundi ba naman isa't kalahating... Ewan!

Sabi ko nga, babawasan ko na ang pagmumura... Pero...

Kamote que! Anak ng tinola! Tokwa!

Bwiset!

~
Post a Comment
<< Home

10:38 AM :: Baba (ponggoloids)