Asa Pa Ako
Wednesday, January 14, 2009
Libre lang mangarap, pero ngayong 2009, sana matupad naman itong mga munting hiling ko...1. Sana ma-promote ako... Bukod sa pagdagdag ng isang salita sa job title eh may kaakibat na pagdagdag sa sweldo... Sino nga ba namang ayaw niyan?
2. Sana magka-increase sa sweldo... Kung hindi man ako ma-promote, ok na rin sa'kin ang substantial na increase sa sahod... Tipong pwedeng pambayad ng tax kada buwan ang increase... Woot woot!
3. Sana may bonus ngayong April... At sana mga 5 times ng buwanang sahod... Ang saya nun noh?! (Sabi ko nga, libre lang mangarap, buti nga di ko sinabing 10 times eh! Ask generously...)
4. Sana malaki ang tax refund... I mean, sana abot ng katulad last year... Pambili rin ng bagong laruan yun!
Napansin ko lang, parang puro patungkol sa pera ang hiling ko noh? Well, money is a necessary evil...
5. Sana makahanap ako ng work sa Singapore... Syempre, sana the price is right... (Pera na naman!) Pero di ba, kung aalis man ako sa napakagandang kinalalagyan ko ngayon, aba eh sana sa mas magandang package na... Nung minsang may tumawag at tinanong ako ng expected salary ko, sabi ko "10k SGD, take it or leave it." Aba, ang loca, nag-goodbye... Kapal ng mukha!
6. Sana maka-ipon na ako... Hindi na ako bibili ng mga kung anu-anong hindi naman talaga kailangan... Pero may magandang jacket sa Nike eh... Pero di naman malamig dito, so aanhin ko ang jacket? Pero terno siya sa jacket ni Bibi eh... Pero ka-presyo na siya nung Nike Free ko... Tsaka may Ateneo jacket pa naman ako... Pero sayang eh...
7. Sana makapag-aral ako ng banking and finance... Wala naman, para malihis naman ako ng landas... Lagi na lang shipping, logistics, container/cargo transport... Seryoso na, kailangan ko matuto nyan para sa hinaharap...
8. Sana mapalitan na ang office laptop ko... Kung pwede lang talaga na itong personal na laptop na lang ang gamitin ko sa office, i-volunteer ko na talaga... (Pwede naman daw, sabi ni Mio, yun nga lang, install-an daw ng XP at wala daw akong admin rights at i-uninstall daw ang mga non-standard software... Leche!)
9. Sana matapos na ang financial crisis sa mundo... Kung hindi man, eh di sana yumaman na lang ako! (Blog ko to, pwede maging selfish!)
10. Sana mabigyan ng external training ulit... TIpong they would be spending an absurd amount for me to learn something new... Sana tungkol sa mga bagay na magagamit ko rin pag-alis ko ng kumpanya... (Sabi ko nga, absurd!)
Hay... Hindi naman ako nanghihingi ng hindi nila kayang ibigay... Kung paglalaanan lang nila ng panahon na intindihin ang mga pangangailangan ko, aba, mabibigay nila yan noh!
Kaya please lang, sana ibigay na nila... Kundi... Hay naku... Hay naku na lang... :-P


