Lagarista Saturday @ SG
Sunday, December 07, 2008
Nakakaaliw ang Sabado sa SG... Una, sa lahat, birthday ni Rage nung Friday, kaya magpapakain daw siya ng Saturday night... So, yun pa lang, ayos na...Pero hindi... Kasi may pasok si Bibi... So ang aking babysitter ay si Jode (as always, no I'm not complaining)... At dapat nga'y magkikita kami ng 1PM sa CIty Hall MRT station... Late ako...
Bisita kay Jojo at thank you sa kanila ni Mama LJ dahil super sarap nung vanilla ice cream... Yahoo!
Next stop ay sa Suntec para dun sa Fossil Private Sale... Pero dahil di pa ako nag-lunch, kumain muna kami ng gyoza at siomai... Pag akyat sa sale, ayun, napakahaba ng pila kaya't di na kami tumuloy...
Pero may nabili naman kaming watch...

Kakatagpuin namin si Bibi, Rage, at Jeanne sa Queenstown MRT at mula nga roo'y pupunta kami sa favorite resto ni Rage para mag-dinner...
After dinner, nakaplano nang mag-isang shot ng tequila sa kung saan... Pero si Jode ay biglang nagdalawang-isip at kape na lang raw... Pero dahil BI (bad influence po, hindi bisexual) ako natuloy kami sa pag-inom...
Maraming nainom... Maraming napag-usapan... Ayos!
Quotable Quotes:
Jode: Di ka sakit sa ulo Pong... Sakit ka sa puso...
---------------
Pong: Sobra ka na ha! Tanggal ka na sa friendship!
Jode: I resign!
---------------
Pong: Hindi umiinom yan (referring to Bibi)...
Rage: Oo nga... Tapos, unang pagkakita ko sa kanya dati, sa Malate, umiinom...
Jode: Akala ko ba madali kang maka-get over?
Bibi: Sira!
Pong: Kailangan ko siyang iligtas...
Rage: Galit na galit nga si Pong nun na uminom ka...
Bibi: Hanggang ngayon, di pa siya over dun!
---------------
Rage: So ano nga yung pinag-usapan niyo?
Jode: Kasi nga, si Pong...
Pong: Kasi nga, sabi ni Jode, pag napag-uusapan daw, nag-iiba daw mood ko, o tono ko, o mukha ko...
Jode: Di naman sa ganun, may kakaiba lang...
Pong: Eh kasi naman... (unti unti nang lumalakas ang boses)
Rage: Ayan! Ganyan!
---------------
Jode: Malakas na boses mo...
Pong: Malakas talaga boses ko pag nakainom...
Jode: Malakas talaga kahit hindi...
Pong: Ok fine...
---------------
Jode: Si Pong kasi, outspoken... Ako...
Pong: Inspoken?
Jode: Introvert!
--------------- Jeanne: Bakit kayo nagbreak?
Pong: Dahil sa mga kalokohan ko noon...
Bibi: Dahil sa akin nga daw... Ipinasa sa akin ang sisi...
Jode: It's not you, it's me...
Pong: Yun yung panahon na tumultuous yung buhay ko...
---------------
Rage (ala Billy Joe look alike): Tahaaaaaym... I've been passing tahaaaaaym watching tren go by...
---------------
Bibi: Paano i-zoom?! (habang pinapakita ni Jode ang pic ni Billy Joe look alike na apparently eh for girls lang ang pic)
Jeanne: Bakit kulubot?
Pong: Ano ba yan, kailangan i-zoom... Sobrang liit!
Rage: Haha! Si Mia na nagsabing maliit, iba ka Pong!
(At naiyak na lang si Jode...)


