<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Tera Tera

Sunday, August 24, 2008
Dahil pauwi kami ng Pinas, napag-isipan kong i-uwi na rin ang aking eHD para sa kapatid ko...


At dahil mawawalan ako ng eHD, kailangan kong bumili ng bago... (Yun yon eh... Ganda ng logic no? Talagang may justification ang pagbili...)


At ang binili ko nga ay si Tera... Ang Western Digital My Book Studio Edition... 1 TB na may USB, Firewire 400/800, at eSATA interface... Pre-formatted for Mac (kaya ni-reformat ko pa)... At higit sa lahat... Silver...




Actually, mas mura yung Home Edition... Kaso black siya... At kung kilala niyo ako... Wala nang dapat pag-isipan pa... :-)


Nagpabili na rin ako kay pareng Jojo ng A.C. Ryan eSATA ExpressCard para laging quickie is Demi at Tera... ;-)

~
Post a Comment
<< Home

3:00 AM :: Baba (ponggoloids)