BiBa's Bells v.009 - The Recital
Pabalik na kami ng hotel matapos mamili ng mga handa ni Bibi sa pagsalubong ng kanyang birthday... May problema pa rin pala ako... Hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin...
Sa totoo lang, mahiyain tayo pagdating sa mga ganyan... Kaya't kung tutuusin, isa itong malaking problema... Idagdag pang ayaw pala ni Bibi ng mga jewelry at laruan, ano pang silbi ng mga regalo ko?
Ting! May idea na naman... Actually, wala pa akong idea, pero hihingi tayo ng tulong kay Bibi...
Baba: Anong gusto mong gift?
Bibi: Ano ka ba, ang dami mo nang nabigay, tong bakasyon na to, dinala mo ko sa Hong Kong at Macau...
Baba: Nye, syempre gift sa birthday, dapat sa mismong birthday makukuha...
Bibi: Hmm... Sige, wag ka na lang mambabae...
Nakow, napasubo ako dun ha... Charing!
Baba: Ano buzz, granted na yan no...
Bibi: Talaga... (sabay pa-cute)
Baba: Bilis na, anong gift, yung pwedeng ilagay sa kahon...
Bibi: Wala akong maisip eh... Kantahan mo na lang ako...
Baba: Yun lang pala eh... Sige, game! Irerecord ko pa yan mamaya...
At nagkaroon na nga ng plano bigla... (Unless mali ang intindi ko at ang gusto niya pala eh Magic Sing, kantahan na nalalagay sa kahon, hmm...)
==========================================================
Baliktanaw - April 7, 2008 12:00AM
Kakasetup ko nga lang ng digicam para mag-record ng aking birthday song para kay Bibi... Nakapwesto na siya sa kanyang upuan...
Bibi: Birthday ko na!
Baba: Ah talaga? Happy birthday to you...
At kumanta nga ako habang naglalakad palayo, papunta sa safety deposit box...
Bibi: San ka pupunta?
Kumakanta pa rin ako nang ilabas ko ang isang kahong nakabalot sa itim na plastic...
Bibi: May surprise ako?!
At inabot ko nga ang kahon kay Bibi, saktong patapos na ang kantang pinamagatang "Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you..."
Bibi: Ano 'to? Paano mo nagawa? San galing? Paano mo nadala?
Baba: Ewan, nandun sa safety deposit box... Baka bigay ng hotel, birthday mo kasi...
At dali-daling pinunit ni Bibi ang wrapper... Habang nagbubukas siya ay dahan dahan kong itinago ang isa pang maliit na kahon sa bag na dala-dala niya sa aming mga lakad...
At hindi maipinta ang mukha ni Bibi nang bumulaga sa kanya ang regalong ihinanda ko...
Bibi: Waaah! Binili mo siya! Di ba sabi ko wag mong bibilhin? Ang ganda! Seryoso ka? May games na 'to? Nakacharge na? Ang galing!
Tinawag nga ako ni Bibi at lumapit naman ako (parang aso, uto uto)...
Bibi: Lika dito!
Baba: Bakit?
Bibi: Hug kita...
At niyakap niya nga ako... Nagpasalamat... Nang matapos ang wala pang 1 second na hug, naglaro na si Bibi... Gaya ng nasa plano ko, hindi niya napansin ang isa pang kahon sa loob ng kahon ng PSP... Mahusay...
Tick tock... Tick tock... Tick tock...
Medyo nakahalata ako... Dinedma na ako ni Bibi... Ayun, naglalaro na... Pero kailangan mahinto muna ang paglalaro kundi, mauubos ang memory ng digicam nang hindi man lang na-video-han ang pagkakita niya sa isa pang gift ko sa kanya...
Baba: Ligpit mo na yan...
Bibi: Naglalaro pa ko eh!
Baba: Mamaya na yan, ligpit mo na yan...
Bibi: Mamaya na, laro muna ako...
Baba: Ligpit mo na sa box yan...
Bibi: Bakit ba?! Aha! May laman pa yung box no?!
At dali dali ngang niligpit ni Bibi ang PSP, sinilip ang kahon at dinukot ang isa pang mas maliit na kahon...
Bibi: Ano to?!
Baba: Ewan ko...
At humalakhak ang bata... Nakita ang isang singsing...
Bibi: Ang cute niya...
At pilit niyang isinusuot sa ring finger ang cute na singsing...
Baba: Wag mong pilitin kung hindi kasya...
Kaya't nilagay na lang niya sa kaliwang pinkie ang naturang singsing...
Bibi: Ang ganda...
Baba: Nakita mo ba yung diamond?
Bibi: Asan? I Love You (habang binabasa ang naka emboss sa singsing)...
Baba: Ayan, silipin mo...
At kinuha nga ni Bibi ang firescope na nasa kahon at sinilip ang cute na singsing... May isang uto uto... :-P
Baba: Ano ka ba... Wala dyan no...
Bibi: Eh nasaan?
Baba: Dala dala mo kaya buong trip...
Bibi: Saan?! (na may halong pagkainip)
Baba: Nandun sa bag mo...
At dali daling kinuha ni Bibi ang bag niya...
Bibi: Weh! Nilagay mo lang ngayon dito eh...
At binuksan nga ni Bibi ang mas maliit na kahon...
Bibi: Bakit mo ko binibigyan nito?!
Ah... Eh... Ewan ko kung saan galing yung tanong na yun... Ang akala ko kasi, granted na yun, pag binigyan ng singsing ang babae, alam na niya ang ibig sabihin... Sorry naman, first time kong magpropose... Puro palya pa...
Baba: Para di ka na maagaw ng iba...
At sinuot ko na nga kay Bibi ang singsing... Touch move, walang bawian... Period, no erase...
Labels: BiBa's Bells
Wow. Congrats! Matanda na nga tayo.. From high school stuff to wedding proposals.. from Enchanted Kingdom stuffed toy to engagement ring.. Haha. Congrats ulit. =)
Mga hinuha ni noong 4/18/2008 12:59 AMgrabe, naaalala mo pa pala... ang saya no? after high school graduation... puntang EK... tapos nanalo ako ng stuffed toy... at masaya si Bibi sa stuffed toy na yun... huwaw! tapos, 9 years later, heto ako... di ako basted!!! :-)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 4/18/2008 1:10 AMwoh-oh-oh oh-ow
woh-oh-oh woh-oh-ow..
congrats!!! woot woot!!
salamat salamat salamat rage!!! :-)
ang pag-ibig ay sadyang ganyan... ;-)
naks, sweetness! congrats! =) kelan na ang kasal!?! =)sana mang-invite! =)
Mga hinuha ni charis noong 5/20/2008 1:45 AMsalamat charchar! mag-iipon muna ako... haha! :-P
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 5/20/2008 2:41 AMcongrats stephen!!!
at pang TV ang proposal!
ha ha.
oops, di pa tapos!
congrats din kay bibi mo! :)
naku, wala, muntik muntikan pa ko ma-turn down... hihi... thanks argyle!!! :-)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 5/29/2008 3:23 PMhay,,kaktuwa nmn,pero if you're gonna hear how I received that ring..mejo nakkatuwa din..yah its true girls have to hear what that ring is really for.goodluck sa into
Mga hinuha ni titaganda soon to be mamiganda noong 10/30/2008 12:17 PM
Post a Comment
<< Home
2:18 AM :: Baba (ponggoloids)




