BiBa's Bells v.008 - The Sabotage
Sunday, April 06, 2008
Baliktanaw - April 6, 2008 12:35PMBahagi ng HK tour ang pagbisita sa isang jewelry shop... Sa kasamaang palad, naiwan ko ang credit card ko sa pantalong sinuot ko kahapon, kaya't di ako nakapamili ng kung anu-ano... Sa kabutihang palad, di ako napagastos para sa kung anu-ano... Breakeven, kumbaga... Ngunit...
Baba: May gusto ka ba? Sorry ha, naiwan ko yung credit card eh...
Bibi: Nye, ano ka ba... Di naman ako mahilig sa mga jewelry kyeme na yan eh...
Alam mo yung feeling na hindi na-appreciate yung mga paghahanda mo? Hay... Kunwari, ikaw, pinagluto mo yung mahal mo ng adobo, tapos sasabihin sa'yo ng mahal mo, "Di kasi ako mahilig sa adobo kyeme na yan eh"...
So paano na yung engagement ring na hinanda ko??? Paano na?!
Aww... Parang... Aww... Ayako na! Iiyak na ko! :-(
At nang malapit nang pumatak ang isang butil ng luha, may pahabol pa si Bibi...
Baba: PSP, gusto mo?
Bibi: Ayaw ko rin ng mga laru-laruan na yan...
Alam mo yung feeling na hindi nagustuhan yung mga paghahanda mo? Hay... Kunwari, ikaw, pinagluto mo yung mahal mo ng tinola, tapos sasabihin sa'yo ng mahal mo, "Ayaw ko rin ng mga tino-tinola na yan"...
So paano na yung Mint Green PSP Slim & Lite na hinanda ko??? Paano na?!
Kung hindi ba naman isa't kalahating sadista yung bibigyan ko ng surprise... I'm soooooooo broken... Heartbroken...
Gusto ko nang ngumawa! Gusto ko nang magwala! Waaaaaaaaaaaaaah!!!!!
Labels: BiBa's Bells


