<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

BiBa's Bells v.007 - The Obstacle

Saturday, April 05, 2008
Baliktanaw - April 2, 2008 2:14AM


Wrapping the PSP... Well, actually, inaayos ko yung box ng PSP... Kailangan kasi, hindi muna mapansin ni Bibi ang box ng kanyang singsing... If everything works out as planned, yung Mint Green PSP Slim & Lite muna ang makikita nyang gift at matutuwa na siya dun...


Siguro'y noong isang araw lang nang mapag-usapan namin ni Tot and Pot ang aking dilemma sa pagtatago ng aking birthday gift kay Bibi...


Pong: Actually, problema ko nga kung saan ko itatago yung kahon ng PSP habang nasa Singapore eh...

Tot: Bakit, titignan ba niya yung gamit mo?

Pot: Mahilig ba siya magtingin ng bag mo?

Pong: Oo... Lalo pa't alam niyang may event, maghahanap yun ng surprise gift niya...

Tot: Eh di ilagay mo na dun sa maleta tapos patungan mo ng damit mo...

Pong: Eh siya mag-aayos ng maleta ko eh...

Pot: Mahirap yan...

Tot: Ilagay mo na lang sa ilalim ng kama niya...

Pong: Pwede rin... Tapos nakalimutan ko ilagay sa bag ko papuntang Hong Kong no?!

Tot: Haha! Magkakatotoo nang next time ang engagement ring...


At napagpasyahan kong ilagay ang box ng PSP sa isang itim na plastic bag at isiksik siya sa pinakailalim na bahagi ng backpack at patungan siya ng external hard drive na nakalagay rin naman sa isang itim na bag... Makakalusot na siguro yan...


Pero, isang malaking PERO, may problema pa pala ako... Isang malaking PROBLEMA... Wala pa akong nabibiling earphones para sa Mint Green PSP Slim & Lite... Yari!




==========================================================


Baliktanaw - April 2, 2008 11:00PM


Patulog na kami nang...


Bibi: Di pa ko inaantok... Gusto ko i-usi yung bag mo. Gusto ko makita anong dala mo...


At ako nga ay na-shock! This cannot be! Borrow one, cannot be also! Cannot! Cannot!


Baba: Ano namang i-u-usi mo sa bag ko, hard drive?


At hindi na nga nangulit si Bibi, tinamad na rin siguro bumangon at guluhin ang gamit ko... Buti na lang... Whew...




==========================================================


Baliktanaw - April 3, 2008 8:15PM


Napakaraming tao sa City Hall MRT pauwi (Green Line papuntang Tanah Merah) kaya't sa kagalingan ko ay nagsuggest akong pumunta na lang ng Ang Mo Kio (Red Line) dahil doon naman magsisimula ang biyahe ng Bus 24 na sasakyan namin ni Bibi pagbaba ng Tanah Merah...


Ang galing ko, umikot kami ng pagkalayo layo dahil sa kaartehan ko at ayaw kong makisiksik sa tren...


At nang nasa Ang Mo Kio na, naglibot libot muna kami at nakakita ng Sony earphones...


Baba: Ang ganda no?

Bibi: Oo nga, bilhin mo!

Baba: Bilhin natin... Sa'kin yung blue para sa PSP ko, sa'yo yung green...

Bibi: Aanhin ko yan?


At noon nga'y nagkatinginan kami ni Bibi... Nakatitig sa akin ang mga matang nagtatanong... Oo may muta, pero nagtatanong at tila ba parang nakaaninag na may something fishy fish fish...


Baba: Para sa laptop mo... Para hindi na yung sa N95 ang gagamitin mo... And besides, may mga green thingy naman dun sa laptop mo eh, bagay siya!

Bibi: Ah... Oo nga no... Pwede!


Lusot! Di lang ako master pickup artist... Escape artist pa!




==========================================================


Baliktanaw - April 4, 2008 1:15PM


Kalalabas lang ng City Hall MRT Station nang madaan kami sa Lee Hwa sa Citilink Mall... Doon nga'y mayroong nakadisplay na firescope kung saan masisilip ang arrows ng H&A (hearts and arrows) ng Destinee diamond nila... Niyaya ko nga si Bibi sumilip at noong una'y ayaw niya pa... Sa tuwing yayayain ko kasi siya tumingin ng mga singsing lagi siyang tumatanggi...


At nang masilip niya...


Bibi: OMG! Magpropropose ka na ba? Bakit ba puro ka singsing singsing dyan?!

Baba: Sira! May ganyan din kasi dun sa harbourfront, nakisilip ako habang hinihintay kita...


At nalusutan ko na naman... Kung bakit ba naman kasi ako excited eh meron naman na akong ibibigay kay Bibi na ganyan... May firescope rin namang kasama...




==========================================================


Baliktanaw - April 5, 2008 6:00AM


Malapit na mag-boarding... X-ray na ng mga handcarry nang tanungin ako ng guwardiya kung may dala akong pabango... Nakakahon raw...


At sumagi sa isip ko ang firescope... Parang maliit na bote ng perfume ang korte nun na nakalagay sa kahon... Yari... Naka-giftwrap na yung PSP at nasa loob nya yung kahon na may firescope... Oh no!


Pinabukas nga ng guwardiya ang bag, sa may bandang ibaba raw... At sumagi sa isip ko ang kahon ng mga namecard ko... Nilabas ko yun at nakuntento na ang guwardiya... "Just a namecard" sabi niya sa kasama niya... At pinapasok na kami...


Bibi: Bakit raw?

Baba: Tinatanong kung may dala akong perfume na naka-box... Eh namecard yung naka-box... Hehe...


Inhale... Exhale... Muntik na naman...




==========================================================


Baliktanaw - April 5, 2008 12:30PM


Nasa L'Hotel Nina na kami, naghahanda para pumuntang Disneyland... Nasa CR si Bibi nang maisipan kong itago sa safety deposit box ng kwarto ang PSP...


Sinukbit ko na sa balikat ko ang backpack nang...


Bibi: Bakit ba ang bigat ng bag mo, ano bang laman nyan?

Baba: Tripod...


At binuksan ko nga ang bag para makita ni Bibi... Ha! Akala niya mahuhuli niya ako ha... Nevah! :-P


Note to self - Pag sinuswerte ka nga naman... :-)

Labels:

~
Post a Comment
<< Home

12:46 PM :: Baba (ponggoloids)