BiBa's Bells v.006 - The Drama
Monday, March 31, 2008
Baliktanaw - March 30, 2008 8:00PMIlang tulog na lang at susugurin na namin ang Hong Kong... At dahil excited na nga si Bibi, heto't naghahanda na siya ng mga balak gawin sa buong trip...
Bibi: ei HK Disney tayo ha, iisipin ko na itinerary
Baba: sige
Bibi: pagdating mo dito ippresent ko na ang proposal, magppropose na ko babe, maghanda ka ha
Baba: haha
Bibi: :x
Baba: sige :-D
Bibi: magppropose ng itinerary ng HK-Macau trip, maghanda ka kasi
Baba: nyahaha! :-D
Bibi: bawal mapikon, bawal magalit if sablay ang proposal, bawal magalit if i-edit mo ang buong proposal
Baba: babe, proposal mo yun eh... hahaha... pano magiging sablay??? :-)
Actually, kailangan kong sabihin yan para naman di ma-okray ang proposal ko.. O di ba, do unto others chuva lang yan...
Bibi: sinalang ko na yung quilt cover, hehe
Baba: oks :-*
Bibi: tapos hinango ang sampay kagabi... sipag ko noh?
Baba: haha... adik!
Bibi: pwede na maging asawa mo? ;-)
Baba: pwede na! dati pa! :-D
Bibi: nyahahhaaha!
Nakakatuwa... Madalas kasi yang mga ganyang hiritan namin ni Bibi... Pero, para sa kanya, hiritan lang yan... Para sa'kin... Malapit na... Nagbibilang na ng araw...
Bibi: ano gawa mo babe?
Baba: hulaan mo :-P
Bibi: psp!!! tama? am i right or am i correct? correcornot? :-D
Baba: haha! galing ha... :-D
Ang totoo nyan, inaayos ko nga ang PSP for Bibi... Actually, ilang araw ko na rin yang napapansing medyo nagseselos si Bibi sa tuwing sasabihin kong PSP ang inaatupag ko... Kasi nga naman, halos once a month na nga lang kami magkita, mas pinipili ko pa ang PSP kaysa makipagdaldalan sa kanya... Oh well... PSP yan eh, para sa proposal... Dapat mag-effort!
==========================================================
Baliktanaw - March 30, 2008 9:53PM
May pinadalang mga gamit ang Papa (biological papa, hindi po ako yan) ni Bibi kay Berns at nang magkita ang dalawa noong nakaraang linggo, binati ni Berns si Bibi...
Bibi: ei babe, sabi ni berns, sabi daw ni papa pwede na ako magpakasal... hehe...
Baba: haha... pano ba sinabi ng papa mo kay berns?
Bibi: sinabi raw na ok na rin naman sa kanya if magpakasal tayo kasi daw bf naman kita since high school... mali pa sya, kasi college kaya tayo naging tayo! hehe
Baba: haha... huwaw... feeling yang papa mo ha... feeling na highschool pa lang eh nagtatago na tayo sa kanya... :))
Bibi: oo nga feeling sya na gusto mo ko pakasalan noh? o well ganyan ka naman e, ayaw mo ko pakasalan palibhasa di ako yung dream wife mo... huhuhuhu... :((
Baba: ang drama naman :-P syempre babe, dun lang tayo sa practical, like, di pa tayo ready mapakasal, you know
Bibi: yup, i know, joke nga lang
Baba: ;-)
Bibi: hehe... as if naman ready na ko... hahaha... o ayan ha...
Baba: haha :-)
Bibi: wala na usapan about marriage at marry me keme... alam na ang katotohanan na di pa pwede pakasal... :-P
Naku, ayan na... Nagdradrama na ang Bibi ko... Actually, dahil sa drama moment na ito (na sa totoo lang eh na-sense kong medyo nagtatampupoy nga si Bibi for real) eh napapaganda ang build up para sa pinakahihintay na proposal...
==========================================================
Baliktanaw - March 30, 2008 10:01PM
Bibi: ano na gawa mo?
Baba: ano pa nga ba :-P
Bibi: psp! hehe
At sa loob-loob nga ni Bibi... "PSP na naman?!?!?!?!"
At sa loob-loob ko nga... "Kung alam mo lang... :-)" (may smiley talaga sa loob-loob :-P)
==========================================================
Baliktanaw - March 30, 2008 10:20PM
Baba: busy ka pa? lagi ka na lang busy, ayaw mo na ba sa'kin? :(( bakit babe, ano bang nagawa ko? bakit ayaw mo na akong kausapin???? :((
Bibi: ha? bakit naman? ano ba naman yun babe
Baba: i'm sooooooooooo sad
Bibi: bakit naman ayaw? nye... hoy, bakit? ikaw kung anu-ano iniisip mo *HUGZ* and besides ni-turn down mo ang marriage proposal ko noh
Baba: hala di ko naman ni-turn down ha... bakit ganun babe, love naman kita ha, bakit ayaw mo na sakin? di ba enough na love kita????
Bibi: alam mo namang love kita noh... kung alam mo lang kung gano kita kamahal... medyo heal ko lang ng ilang minutes ang aking broken heart
Baba: broken heart?
Bibi: haha
Baba: bakit broken?
Bibi: dahil basted ako sayo! hahahaha... pero now ok na ko... hahaha... o sya wag na pag usapan ang basted
Ayan na... Hindi ko alam kung bakit, pero parang feel ko tinutulungan ako ni Bibi, unknowingly, pagandahin itong kwento... :-)
P.S. Sana hindi ako "basted" :-P
Labels: BiBa's Bells


