<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

BiBa's Bells v.005 - The Plan

Sunday, March 30, 2008
Baliktanaw - March 26, 2008


Binibilang na ang tulog at malapit ko na nga ulit makasama si Bibi... April 2... At nilagay ko ngang ym status ang "sana april na"...


Jovi: anong meron sa april?

Pong: punta akong sg


Maita: anong meron sa april?

Pong: per diem


Aileen: anong meron sa april?

Pong: bakasyon


Diane: anong meron sa april?

Pong: bonus


Well, totoo naman yung mga sinabi ko sa kanila...


Jode:
bakit mo winiwish na sana april na? anong meron?

Pong: hehe... yung per diem sa prague... hehe... i need money! lots of money!

Jode:
huwaw! bongga

Pong: pongga!

Jode:
tuloy na ba ang plans mo? proposal and all?

Pong: haha! uu... sana... hahanap ng the ring this weekend

Jode:
huwawwwwwwwwwwwwwwwwwwww :-D ayi ayi ayi!!!!!!!!

Pong: at walang pera

Jode:
yown naman :-D woooohooooo

Pong: umaasa na sa credit card na lang... haha... actually, pwede naman i-cash kaso, mamumulubi naman ako nun... hehe

Jode:
yes pong, ibang level naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa hihi :-D i'm excited for you :-D so excited! hahahaha

Pong: wala nga akong plano eh... kung saan, o kailan, o paano

Jode:
eh kahit na.haha

Pong: bahala na si batman

Jode:
at least may goal. hahaa... maiisip mo rin yan, it will come to you


And yes, sasabay ako kay Tot and Pot sa Sabado (bibili sila ng LG Viewty ni Pot), pero hindi ko pa nasasabi sa kanila... Ang alam lang nila eh bibili ako ng PSP... Di ko nga alam kung paano ako tatakas dun sa dalawa eh... Actually, nahihiya nga ako dahil baka mahiritan ni Pot si Tot... Bahala na nga...




==========================================================


Baliktanaw - March 27, 2008


Di ako mapakali... Iniisip ko na ang mga gusto kong gawin para sa birthday ni Bibi... At dahil lagi namang nauuwi sa wala ang aking mga naiisip, napagpasyahan ko na lang na baguhin ang theme ng Multiply ko... Isang diversion, para maligaw si Bibi sa pag-iisip na may iba pa akong balak para sa birthday niya...


At napagpasyahan ko na ring umamin kay Tot and Pot... After all, sila na ang aking bantay dito sa malayong lugar na ito, mas mabuting alam na rin nila ang mga mangyayari... And besides, matutulungan pa nila ako magplano, just in case... At magiging accessory sila sa krimeng magaganap... Pwede!


At gaya ng nakaraang araw, nakausap ko na naman ang isa pang accessory to the crime...


Pong: hay jode, malapit na mag-sat

Jode:
go pong :-D

Pong: at wala talaga akong plano... hehe

Jode:
hihihi

Pong: pero ok lang

Jode:
i'm excited for you :-D

Pong: tanggap ko nang walang plano :-)

Jode:
hahahaha

Pong: haha

Jode:
you'll think of something for sure

Pong: excited na ako :-D

Jode:
ako rin. haahaha... hmm... itago mo na lang kaya sa balbas mo... hihi


At dito nga'y parang sa cartoons ang nangyari... Tila may light bulb na lumabas... Ting! I think I have an idea... Napasulyap ako sa ilaw sa kisame...


Pong: haha, isip ko kasi, sasabihin ko bumili akong PSP, tapos sa kahon ng PSP, merong singsing... psp = para sa proposal... sabi ko kasi sa mga tao, bili akong psp kay mia this weekend... haha

Jode:
yesssssss hahahaha... kulits


At noon nga nabuo ang blueprint... Ilang tao na rin naman ang sinabihan kong bibili akong PSP ngayong Sabado... Kanino raw ang PSP? Kay Bibi, syempre!


PSP = Para Sa Proposal... kay Bibi... :-)




==========================================================


Baliktanaw - March 28, 2008


Planning and Organizing Committee - Baba (a.k.a. Pong), Tot and Pot


Wala... Wala kaming narating kundi ipagpabukas na lang ang pag-iisip tungkol sa the ring... Pero nagbigay ng suggestion si Pot kung saan pwede bumili...




==========================================================


Baliktanaw - March 29, 2008


Ang itinerary for today - bili ng the ring, bili ng LG Viewty ni Pot, bili ng DVD writer ni Tot, bili ng Mint Green PSP Slim & Lite... Hindi naman hectic ang schedule ko ngayon kaya't pupunta pa ako sa kantahan sa Cyberheights courtesy of Maita Jackson...


Hindi ko alam kung paano, pero ganun na nga ang nangyari... Noong una'y akala ko'y malaki na ang 2-hit combo... Hindi pala... Critical hit ang inabot ko... May splash damage pa... Ngunit, kung bakit ko pinili ang singsing na yun (bukod pa sa pagsabi ng saleslady na "diamond is girl's bestfriend") ay dahil sa una, napilit ako ni Pot, ikalawa, sumang-ayon si Tot kay Pot (at alam naman nating nangyayari yan LAGI), ikatlo, napag-isip isip kong minsan lang naman ako bibili ng ganito, at huli, ang twist...


Noong March 25 kasi, habang nasa Chili's, ay may kakaibang trip si Bibi... At kinuhanan pa namin ng video ang pag-twist twist ng kanyang mga kamay at daliri... At tuwang tuwa siyang parang bata... Nang mag-charades ang sales lady sa pagsasalarawan ng twist na nasa singsing, naalala ko ang twist ni Bibi...


At nang mabayaran nga'y muli kong sinulyapan yung tag ng singsing... Ilang taon na nga si Bibi? 26... Ano yung nasa binili? 0.26 ct...


Para sa kanya talaga... :-)


Note to self - Di na ito mauulit... Touch move, walang bawian... Period, no erase...

Labels:

~
Post a Comment
<< Home

5:24 PM :: Baba (ponggoloids)