BiBa's Bells v.004 - The Setting
Monday, March 24, 2008
Baliktanaw - December 2007Nasa Prague pa ako noon... Planning Committee... Na por nada na ang Langkawi trip para sa birthday ni Bibi... Well, actually, namahalan din kasi ako sa mga resort na pwedeng tuluyan... I mean, kung gagastos na rin lang ako, sa ibang lugar na lang bukod sa Malaysia / Singapore / Philippines... At napag-isipan ko ngang sa Hong Kong at Macau na lang dalhin si Bibi...
Planning Committee - Baba (a.k.a. Pong), Maita and Jen (mga nagpunta na sa Hong Kong at Macau)
Surprise birthday gift... Kung bakit mabigat ang paghahandang ito ay sapagkat sa kanyang ika-26 na kaarawan nakatakdang lumuhod... Ang mga tala!
==========================================================
Baliktanaw - January 2008
Nasa Prague pa rin ako noon... Teasing Committee... Kausap ko si Bibi nang...
Baba: Babe! Alis tayo sa birthday mo ha...
Bibi: Nasaan ako sa birthday ko babe?
Baba: Secret... Di mo malalaman... Di ko sasabihin...
Bibi: Pwede ba yun, eh birthday ko yun... Saan nga ako?
Baba: Basta, wala ka sa Singapore, sa Malaysia, o sa Philippines...
Bibi: OMG!!! Nasaan ako babe?! Sa Indonesia? Thailand?
Baba: Secret...
Bibi: Korea?! Japan?! Dubai?! Hawaii?!
Baba: Sa puso ko babe... Nasa puso kita nun...
At nakabanat na naman ako ng pick-up... At pati ata Mama ni Bibi eh napick-up ko dun... Kinilig eh, nung nakwento ni Bibi...
==========================================================
Baliktanaw - January 23, 2008
Isang araw matapos ang 8th anniversary namin ni Bibi, nagpop si Jode...
Jode: si Ann, hinahanap kung may ring dun sa nisend mong mga zip files. haha
Pong: hehe... wala eh... :-P sa bday pa nya sa april... hihi... so yun ang mission impossible ko ngayon, kung pano ko madekwat ang isang ring nya para makuha ko ang size! haha! pahirapan ito
Jode: sinabi ko rin nga yun kay Ann. hahaha na sa bday ata ni MamaMia meron :-P
Note to self - Naaalala mo pa ba nung unang beses kang nagregalo ng damit kay Bibi? Galing mo tumantsa no... Large?! Pasalamat ka di ka nasampal nun...
==========================================================
Baliktanaw - February 2008
Ang pakay sa pagbisita sa SG? NATAS Fair... At dahil hindi ko kakayaning magplano ng itinerary mag-isa, sinabi ko na kay Bibi na kami ay pupuntang... Langit! Este, Hong Kong at Macau pala... Kaya't kami'y naglibot at naghanap ng magandang package... Masaya naman si Bibi... Excited pa nga siguro... At nagvolunteer na syang tagabitbit ng mga maleta ko sa buong trip...
At ako? Masaya... Dahil nakita kong masaya si Bibi... :-)
==========================================================
Baliktanaw - March 23, 2008
Habang naglilibot kami ni Bibi sa Sunway Pyramid, nakakita ako ng Mint Green PSP Slim & Lite... At gusto ko siyang bilhin for Bibi dahil una, medyo natutuwa na siya kakalaro ng PSP, at ikalawa, green ang favorite color niya... Pero may nakita rin kaming Nintendo DS Lite na green... At dahil si Mario ay pag-aari ng Nintendo, gusto ko rin naman bilhin yun dahil alam kong gusto ni Bibi maglaro ng Mario...
Isip isip...
Note to self - Wag ka nang magkaila, gusto mo rin maglaro ng Mario, pinasa mo pa kay Bibi...
Labels: BiBa's Bells


