Bestfriend Methodist
Saturday, December 01, 2007
Naaalala ko pa... Iyon nga ang panahon ng pagkabata...Patapos na ang aming pamamalagi sa high school nang una akong magparamdam... Magpapansin... Manggulo... Mangulit... Magka-gusto...
Madalas nga kaming mag-usap mula noon... Nakakapagkita pa rin naman dahil makailang ulit rin kaming bumalik sa MaSci sa dalawang buwang bakasyon bago pumasok ng kolehiyo... At dahil hindi pa uso ang celphone noon, tawagan lang sa landline ang pag-uusap namin... Kung minsan nga'y tumutulay pa sa ibang mga kaibigan para lang hindi mahuli ng kanyang mga magulang...
Hanggang sumapit ang kolehiyo...
Sa Caloocan nga pala siya nakatira... Sa Vito Cruz ako... Malayo... Malayo nga... Ngunit kung gugustuhin, makahahanap nga naman ng paraan...
Sa U.P. Manila siya nag-aral... Sa may Padre Faura... May gusto, kaya't humanap ng paraan... Malapit na... Lumayo sa kanila, lumapit sa'kin... May gusto nga...
Sa Ateneo ako nag-aral... Sa may Katipunan... Walang connect...
Meron pala... Sa Ateneo ako nag-aral... Sa may Katipunan... At sa kalayuan nito sa aking tinitirhan, ako'y nanuluyan sa isang apartment malapit sa paaralan... Malayo na... Napalayo pa...
At siguro nga't marahil dahil hindi ako tiyak kung bakit nagkagayon, ngunit nawala ang lahat... At gaya ng huling pangungusap, walang saysay ang dinaanan kong unang semestre sa kolehiyo... Sa pagitan ng kawalan ng landline sa apartment at pakikibagay sa mga bagong kamag-aral at sistema, naging minsanan ang noo'y madalas na kwentuhan...
'Yon ang kauna-unahang pagkakataong nawala ko siya...
Naaalala ko pa... Cool With You ni Jennifer Love Hewitt...
Nauna akong magka-celphone... At madalas nga akong maubusan ng load katatawag sa landline nila...
Nang siya naman ang magka-celphone, madalas na rin siyang maubusan ng load kapapadala ng text... Kung minsa'y may tawagan ring mauuwi sa...
Stephen: Good night...
Miamel: Good night...
Stephen: End mo na...
Miamel: Ikaw muna...
Stephen: Ladies first...
Miamel: Bilis na...
Stephen: End mo na nga...
Miamel: Ikaw na nga mauna...
Stephen: Nye...
Miamel: O game, good night na...
Stephen: Good night... End mo na...
Miamel: Kulit!
...
Stephen: Good night na... Bilis!
Miamel: Ayaw magpatalo...
Stephen: Syempre... Ganun talaga...
Miamel: Sure ka? Sure ka talaga ha...
Stephen: Baba ko na ha?
Miamel: Bait naman pala eh!
Stephen: Daya! Good night... Babayu!
Miamel: Bye!
Aaminin ko, bukod sa kakapiranggot na english na alam ko nang mga panahong iyon (good night, end, ladies first) ay nakakatawa at nakakatuwa rin na dumaan kami sa ganyan... Kaya pala nauubos ang load... Yung pag-uusap na tumagal ng dalawang minuto ay inabot ng lima sa kulitang kung sinong mauunang mag-"end" ng tawag...
Naaalala ko pa... Tahimik ang umaga ng araw na 'yon...
Matagal na rin naman kaming nag-uusap... At sa totoo lang, sa loob ng walong buwan (8 months) sapul nang kami'y makatapos ng high school, mas madalas pa nga kami mag-usap kaysa noong siyam na buwang (9 months) magkaklase kami noong 4th year...
Miyerkules noon, may pasok ng 7:30 AM... Maaga akong pumasok, iwas traffic, iwas usok... Hindi naman sa nagco-commute ako, lakad lang from apartment papuntang school... Ayaw ko lang din ng usok ng mga sasakyan sa umaga papasok sa Ateneo... At dahil Disyembre na, naisip kong magtanong...
Stephen: Ano palang gusto mong gift sa Christmas? I mean, not that I'm not capable of getting something for you without asking, pero syempre, if you wanted something so bad, eh di yun na lang gift ko sa'yo... :-)
Amazing! Mag-iisang buwan pa lang sa ikalawang semestre sa unang taon ko sa Ateneo... Ganyan na ako mag-text... Kaya basic sa english eh!
Miamel: Hmm... Wala naman... I mean, I'd want a gift, syempre, pero nothing specific... So ikaw na lang bahala... :-) Ikaw? May gusto ka?
Gustuhin ko mang sumagot ng "Sa'yo? Matagal na... Di ba obvious?" ay hindi ko ginawa... Torpe!
Stephen: Wala naman... Ok naman na ako na bestfriends tayo, what more could I ask for? :-)
Miamel: Imposing? :-P
Stephen: Wishful thinking... :-P
Miamel: Christmas wish granted... :-)
Gustuhin ko mang magtatalon sa tuwa nang mabasa ko ang text na iyon ay hindi ko magawa... Kasalukuyang pababa ako ng hagdan ng overpass, papasok ng Gate 2.5 sa Ateneo... Masaya ako, at hindi ko naman gustong maaksidente pa habang masaya... At sa isang banda, hindi ko naman gustong mag-alala sa'kin yung batang may gusto sa'kin, di ba?
Naaalala ko pa... Paano ko nga ba malilimutan pa...
Stephen: December 1... Yihee... :-P
Miamel: Wag mong kakalimutan yan... Kasalanan makalimot! :-P
Naaalala ko pa... Walong taon (8 years) na... Naaalala pa kaya niya?
P.S., Nalimutan niya... :-P
~
Post a Comment
10:51 PM :: Baba (ponggoloids)
madaya ka! pinapaalala mo sakin na nakalimutan ko a month after ko nakalimutan kaya lalo ko na sya nakalimutan talaga!
waaaaaaah! nag-take advantage ka na naman sa memory loss ko! daya!
pero eto ang naaalala ko:
Stephen: Ginugulo ka ba nun (referring to a guy classmate na katabi ko sa grad practice na kumakausap sakin lagi...)?
Mia: Hehe
Stephen: Pwede ba namang ako naman ang manggulo sayo?
pa-cute, sumisimple... inlab sakin! :-P
P.S. I Love You...
*HUGZ*
Guilty as charged...
Di ko naman dine-deny eh...
As if naman ayaw mo ako manggulo... :-P
*HUGZ*
Post a Comment
<< Home
10:51 PM :: Baba (ponggoloids)




