Picky v.20071011
Thursday, October 11, 2007
Sa mga nakaraang Picky posts, si Baba (ako po yun) ang laging nananalo (again, syempre dahil blog ko ito at ako ang bida)... Pero sa edition na ito ng Picky, may humarurot na Bibi...Bibi: Hay, Friday na bukas, may isang magandang bata na excited to the highest level! :-D
Pickup point for Bibi... Nakow... Natututo na mambola ang bata... Score: Bibi 1, Baba 0...
Baba: Wag mo naman ako gawing babae. Yung "maganda", pang babae yun. Gwapo na lang, pwede? Sa bagay, maganda naman talaga ako. Pwede na rin. :-)
At syempre naman, hindi tayo magpapatalo... Kaya, pickup point for Baba... Score: Bibi 1, Baba 1...
Bibi: At bakit? Sinabi ko bang ikaw? Tsaka babe naman? Di ba maganda ako? Eh excited ako eh. So ako yung tinutukoy ko na magandang bata na excited! :-P Feeling ka na naman! Mmm... *HUGZ*
Hindi counted yan! Dahil yan ay hindi pamimickup kundi pagmamayabang at pamumuri ng sarili... Sa bagay, ganyan din yung hirit ko... So wala pa pala akong point... Score: Bibi 1, Baba 0...
Baba: Sorry ha. Eh sa sobrang excited na ako eh. Kailangan solohin? Bawal share? Damot! :-P
Ayan na, para naman hindi masabi na bops ako sa pamimick-up... Tabla na po tayo... Score: Bibi 1, Baba 1...
Bibi: Madamot talaga ako. Bawal ka i-share! *HUGZ*
Boom tarat tarat! Tapos ang usapan... Parang kumain ng spinach si Popeye...
Parang high sa kabuti si Mario... Ayun, pump up the pickup! Score: Bibi 1... Million..., Baba 1... Lang...
Baba: Huwaw! Ibang levelling ng pickup! Winner! *hugz*
Bibi: Aba dapat lang noh! Kala mo ikaw lang marunong mamickup ha. Magshare ka, wag madamot! :-P
Baba: Ayaw ko. Ang akin ay akin lang. At akin ka! Akin ka lang! Walang share-share! :-P
Katakot... Hindi counted na pickup yan... May pagka-obsessed na kasi yang hirit... Haha...
At sa huli... Wala lang... Nanalo si Bibi sa Picky edition na ito... So?
Change topic! :-P


