<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Bibiholic With The Animals

Saturday, October 06, 2007
Ayan na... Ngayon ang araw ng Sentosa... Woohoo...


Kaso, na-por nada... Kasi naman, umulan... Hay... So... Ano pa nga bang gagawin kundi tumambay sa mga mall at, kung papalaring hindi umulan sa gabi, mag-Night Safari...


At ok naman ang mall hopping naming apat nina Bibi, Annette, at Mio...


Sa totoo lang, hindi ok... Kasi syempre, nagtampururot ako... At dahil nagtampururot ako, eh tahimik ako... At cold... At gaya nga ng madalas mangyari sa mga magkakaibigan, pinagbubulungan ang mga nagkakatampuhan... Oh well... Kaya ayan, pinagbulungan kami ng mga alaga ko... Aha! Kala niyo ha... Kilala ko na kayo noh! :-P


Anyway, short-lived naman ang drama ng beauty ko... Niregaluhan kasi ako ni Bibi ng card holder... Peace na kami... I love it! :-)


At nagpunta na nga kami sa Ang Mo Kio upang mag-dinner at mula roo'y sumakay ng bus o cab papuntang Night Safari...


Alam ko atat na kayo sa pics... At alinsunod sa title ng entry na ito, heto ang Bibiholic with the animals take one...




O di ba?! Sosyal na mga hayop! Hayop sa ganda yung dalawa at hayop sa gwapo yung isa... Pero just the same... No more comment... :-P


At, bago pa tayo malayo sa malayong malayo... May magandang stall sa Ang Mo Kio... Couple Lab ang pangalan... At ang binebenta nila? Mga mag-partner na singsing, kwintas, at bracelet (sige nga, anong tagalog ng bracelet?)...


At sa huli, kami'y nag-Night Safari... Yey!




Take 2 yan ng Bibiholic with the animals... Yung kasama ko sa pic... Hmm... Oh well... Pinakamagandang hayop sa balat ng lupa... Parang porn flick ha...


Ang cute namin noh?! Night Sa Pari yan! Haha! :-)
~
Post a Comment
<< Home

11:53 PM :: Baba (ponggoloids)