Bibiholic And Another Scheme
Thursday, October 04, 2007
Naikwento ko kay Bibi kagabi na ipinadala nga sa training ang aking mga alaga... At syempre, walang tigil na pangungulit ang aking sinalo...Nariyang sabihin ko raw sa amo ko na isama rin ako sa training... Haller! Maangas ako pero ayako namang mawalan ng trabaho no!
Meron ding pumasok na lang daw ako sa luggage ng mga alaga ko... Pambihira... Kahit magkasya ako, hindi ata kami papasa sa 20kg weight limit... 20kg, tiyan ko pa lang yun eh!
At kaninang 1:26PM ay tumawag si Bibi... Yung mga tawag na ganyan, hindi expected, ibig sabihin niyan ay namimiss niya ako... Hula ko lang yan, pero malay natin, di ba?
Tumawag nga si Bibi para mag-sorry... Syempre naman at kinabahan ang beauty ko... Bakit naman biglang hihingi ng tawad ang Bibi ko? Ano ito... Ano itong kasalanang kanyang nagawa... Sa mga panahong ganito, naninikip ang dibdib ko... Partida, wala pa akong bra niyan, masikip na...
Napabuntong hininga ako nang malaman ko ang dahilan... "Sorry ha, gusto sana kita surprise pero di pa ako ganun ka-master eh..." Hay... Yun lang pala... Akala ko naman may asungot na umaaligid sa kanya... Sus! At itinuloy nga ni Bibi ang kanyang litanya... Sinabing pupunta si Berns (isang kaibigan ni Bibi na kanyang nakilala sa dati niyang work) sa Malaysia at gusto niyang sumama... Kaya lang, nagdadalawang isip siya dahil low budget na nga... "Sorry ha..."
See... Namimiss niya na naman ako... Kaya't nagbabalak pumunta dito... And for a while there, kinilig naman ako! :-)
At dahil maunawain naman ako, sinabi kong wag na nga lang dahil wala nang funds at nagtitipid na... "Pupunta naman ako next weekend..."
Totoo, pupunta talaga ako sa long weekend... Friday night to Tuesday morning ako doon... So hindi na nga kailangang pumunta ni Bibi this weekend...
Ngayon nga'y nagtatampupoy si Bibi...
Bibi: Babe, why are you like that?... You're making me miss you more and more... :-(
Baba: Huway? What's wrong? *hugz* I miss you more and more and more and more! ¤mwah¤
Bibi: Mas miss pa rin kita... :-(
Baba: *hugz* Drama natin ha. *hugz*
At syempre, may ticket na ako para sa 10AM trip bukas papuntang SG... Kailangan lang natin sakyan ang drama ni Bibi para naman masaya ang lahat bukas... :-)


