<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Bibiholic's Bet Log v.20070916

Sunday, September 16, 2007
We were having dinner at New York New York in Citylink Mall when a familiar tune played on...


Boom tarat tarat... Boom tarat tarat... Tararat... Tararat... Boom boom boom...


Kidding... It was the song aptly titled "I'm Not Missing You"... And narrating this story in English is making my nose bleed...


Kaya't hindi na ako magpapanggap pa...


Nang marinig ko nga yan ay napaisip ako...


Baba: Sino nga kumanta nyan?

Bibi: Hmm... Sino nga yan?

Baba: Di ba si Jojo?

Bibi: Hindi noh!

Baba: Si Jojo nga yata...

Bibi: Hindi, alam ko boses ni Jojo eh...

Baba: Parang si Jojo eh...

Bibi: Hindi nga...

Baba: Wanna bet? Kiss my pwet?

Bibi: Sige!

Baba: Kiss my pwet muna...

Bibi: Mamaya... Loco! Hindi nga si Jojo yan...

Baba: Pustahan nga...

Bibi: Sige! Anong pusta?

Baba: Ikaw, anong gusto mo?

Bibi: Sige... Kapag hindi si Jojo, bibigyan mo akong flowers!

Baba: Sus, yun lang pala eh...

Bibi: O ikaw, anong gusto mo?

Baba: Hmm... Wala eh... Rich naman ako, I can get whatever I want for myself...

Bibi: Kala ko ba poor ka na...

Baba: Quiet ka lang! Nagpapanggap lang akong poor...

Bibi: Baliw! Ano ngang gusto mo?

Baba: Hmm... Sige, pag tama ako, palit tayong phone... Akin yang N95 mo, sa'yo si Posh...

Bibi: Deal!


Katahimikan... At ngumingisi si Bibi... Napaisip ako... Mukhang hindi nga si Jojo... Oh no... Si Stacie Orrico ang kumanta! Huhu... I'm dead!


Baba: Hmm...

Bibi: Ano, talo ka na!

Baba: Di mo nga kilala kung sino kumanta eh...

Bibi: Hindi nga, pero sure akong hindi si Jojo...

Baba: Hmm...

Bibi: Wag ka kasing bet ng bet... Dapat sigurado kang mananalo ka bago ka makipag-bet... :-P

Baba: Bakit, sino bang kumanta?

Bibi: Di ko alam...

Baba: Si Stacie Orrico...


At ang mga sumunod na pangyayari ay hindi kaaya-aya... Walang katapusang pangungulit sa kung anong bulaklak ba ang ibibigay ko... At kung kailan... At kung saan... At kung ilan...


Hay... Madaya!!! :-P
~
Post a Comment
<< Home

8:59 PM :: Baba (ponggoloids)