Bibiholic Surprises Bibi
Saturday, September 15, 2007
Matinding execution ng mga plano ang kailangan ngayon... Konting sablay lang, maaaring hindi ganun kaganda ang dating ng surprise... Sayang naman...Kung mag-plano kasi ako ng surprise, simple lang... Yung tipong wala nang magagawa si Bibi dahil nandyan na... Tipong di na niya mababago pa... Para malakas ang tama...
Kaya't napakahalagang aware ako sa kilos ni Bibi ngayon hanggang sa makarating ako sa SG... Dahil batay sa kanyang kinalalagyan, maaaring magbago ang aking mga naunang plano...
Bibi (9:43AM): Good morning! :-) ¤mwah¤ dito pa kami house. Breakfast pa lang at di pa naliligo. Hehe. :-) ¤mwah¤
Magandang balita ito... Dahil kung tama ang aking pagbibilang, eh malamang sa malamang, pasado alas-onse na makakaalis ng bahay yang mga yan papuntang IKEA... Bakit? Simple, babae yang mga yan, kulang ang isang oras sa paghahanda... :-)
Kung mapapansin niyo ay hindi ko pa tinetext si Bibi... Mangyari kasing nakasanayan ko nang magising around 10:30-11:00AM... Kaya't kaduda-duda naman kung magtext ako nang maaga... Kaya't napagpasyahan kong magtext around 11:00AM...
Baba (11:34AM): Morning Bibi. *hugz* tanghali na kayo ha. Tuloy kayo IKEA? Ingat ha. ¤mwah¤
Simple lang... Wala munang bahid ng pag-iimbestiga... Mamaya pa natin aalamin ang kinalalagyan ni Bibi... Kailangan kasi, sa mga ganitong pagkakataon, eh kalmado tayo... Bawal ang atat... Nakakasira ng plano yan eh...
Inabot na ng alas dose ng tanghali, wala pang reply si Bibi sa text ko... Binanatan ko pa ng isang text...
Baba (12:15PM): San na kayo?
Delikado ito... Posible kayang nagoyo ako ni Bibi? Baka naman rumaraket din ito ng surprise niya kaya't nagtext ng "di pa naliligo"... Baka naman pupunta ng Malaysia si loca... Hala... Magkakasalisi... Yari...
Delikado nga... Ngunit kung mag-chance passenger lang ito si Bibi, posibleng wala pa nga ito sa biyahe papuntang Malaysia... Bakit? Dahil may pagkamakupad din yang si Bibi... So mabuti pang banatan ko na ng madramang text...
Baba (12:31PM): Once upon a time, may boyfriend na dinedma ng Bibi niya. Kawawang boyfriend. Ayun, nagmukmok sa kwarto. Ayaw kumain. Sobrang depressed. Nagkasakit ng di oras. Namatay ng maaga. :'(
Ayun eh... Kapag hindi pa sumagot si Bibi dyan, ewan ko na lang...
Bibi (12:45PM): Kulits! ¤mwah¤ miss na kita baby... *hugz*
Baba (1:01PM): Wag ka na bumili. Hintayin mo na lang ako. *hugz* Saang IKEA ba yan? Yung pinuntahan nila Ate Bo? ¤mwah¤
Bibi (1:09PM): Ibang IKEA. Punta tayo dito ulit ha. ¤mwah¤ bumili lang ako ng pillow protector tsaka yung lalagyan ng maduming damit na pagong. :-) samahan mo ko dito ulit ha. :-) ¤mwah¤
Baba (1:12PM): Ah, yan yung sa Tampines ba yun? Tapos ka na mamili? Daya mo naman babe eh. :'(
Bibi (1:16PM): Hindi po... Gusto ko kasama kita pag bili na talaga ako para masabi mo kung ok o hindi. ¤mwah¤ lagot ka, lalakad tayo nang lalakad. Hehe. Humanda ka na. :-) *hugz* wag mapapagod kasama bibi mo ha...
Baba (1:17PM): O, uwi na kayo? Ingat ha. *hugz*
Bibi (1:19PM): May hanap pa sila. Pero dito na sa baba kami, yung malapit na magbayad. Si rose bili ng cabinet. Tapos baka dito na kain. Basta babe ha, mag-ipon ka na ng patience para paglibot kasama ko. :-)
Hay... Ang Bibi ko, excited na mamili ng mga gamit para sa kwarto niya... Ayaw ko namang malungkot ang Bibi ko, kaya't heto... Na-atat na akong umamin sa surprise...
Baba (1:20PM): Once upon a time, may boyfriend na sobrang love yung Bibi niyang pasaway. At dahil gusto mag-IKEA ng Bibi, heto ang boyfriend, kakatapos lang sa Malaysia immigration. :-P
At wala pang isang minuto mula nang ma-send ang text ay nag-ring na ang cellphone ko... At hindi nga maipaliwanag ang nadarama ni Bibi habang kausap niya ako... Haha... Surprise!
Masaya naman... At least bumenta ang plano ko... At anong napala ko?
Bibi (1:30PM): Babe!!! :-) :-) :-) Mmm... *HUGZ* i love you!!! ¤mwah¤ sweet! :-) :-) :-)


