Bibiholic On Panic Mode
Friday, September 14, 2007
Bakit nga ba panic mode?Hahay... Namimiss ko na kasi si Bibi... At gusto ko siyang makita this weekend... :-(
Well, sa totoo lang, mula nang malaman kong ilang linggo na lang at mawawalay na naman ako sa kanya ng pagkatagal-tagal, eh walang humpay ang aking pagkalungkot... Kaya nga't nasa panic mode ako ngayon...
Dahil gusto ko na siyang makita... At, sa pagkakaalala ko, may 11:30PM trip ang Aeroline papuntang SG kapag Friday... Kung makakauwi ako by 9:30PM ngayon, makakaabot ako sa Hotel Corus just in time for that trip... Ang problema, wala pa akong ticket...
Kung ika'y nalulungkot o di kaya'y may problema, bakit di i-angat ang telepono... At ganun nga ang aking ginawa... Tinawagan ko ang hotline ng Aeroline upang makapagbook sana for tonight's trip... Kaso, at ito'y isang napakalaking kaso, voice prompt ang sumagot at sinabing 8:00AM to 6:00PM lang ang business hours nila... Patay...
At ako nga'y nag-concede for the night... Sorry Bibi... Hindi talaga kaya ng powers ko makaalis tonight...


