Bibiholic Is A Special Child
Monday, September 24, 2007
Ang saya... First time kong sasakay sa single deck na bus from SG back to MY...Ang saya... Dahil mag-isa lang akong pasahero...
Regular Spiel: Good morning ladies and gentlemen. Welcome to Aeroline coach number...
Today's Spiel: Good morning Mr. Stephen. Welcome to Aeroline coach number...
O di ba! Ang taray! VIP ang lolo niyo! Solo flight!
At sa sobrang pagka-special ko ay naharang ako sa SG immigration. Dinala ako sa isang silid. Sa totoo lang, may halong pagka-excite ang feeling ko ngayon... Naisip ko, "Huwaw! Baka bibigyan ako ng 'frequent visitor' na card... Tipong di ko na kailangang pumila sa immigration sa bawat pagpunta't alis ko dito."
Ngunit ako'y nagkamali... Kinuhanan ako ng thumb prints... At sumailalaim sa isang iterogasyon... "Are you Malay? How many times have you been to SG? Do you work here? Do you have any business here?"
At binati ako ng female cabin crew ng Aeroline... "You're special today, huh?"
Hay... Iba na ang VIP... Very Irresistible Pong...


