Bibiholic The Hardy Plotter
Saturday, September 15, 2007
Sabi ko lang naman eh concede ako for the night, hindi for the midnight...At kung di ba naman ako isa't kalahating Bibiholic, aba'y sumagi sa malupit kong isip na mag-chance passenger ngayong Sabado... Kahit naman siguro isang seat eh may bakante pa sa maghapong halos every hour na schedule ng Aeroline... Isa lang... Makakatsamba naman siguro ako...
Kaya't nagpasya akong sumugal... Malay natin, makatsamba nga... Kaya't niligpit ko na ang backpack... Ano ba naman kasing dadalhin ko kundi laptop at brief... Bibili na lang ako ng damit dun, rich naman yung pupuntahan ko eh... So di ako mahihirapan bumalik nang malungkot just in case wala akong makuhang biyahe...
At nang maayos ko na ang aking backpack, tumawag si Bibi...
Bibi: San na lakad mo bukas?
Baba: Di na tuloy grocery. Sila Mio na lang sa Sunday, mag-date naman sila eh...
Bibi: So wala ka nang lakad?
At may na-sense akong kakaiba... Ayako mag-assume, pero magaling ako manghuli ng Bibi na nagpapanggap na magaling magplano...
Bibi: Pupunta ka ba dito?
Baba: Hmm...
Bibi: Sagot!
Baba: Wala na nga akong pera di ba?
Bibi: So di ka nga pupunta?
At may kakulitan itong si Bibi ngayon... Pero ayakong mag-assume... At inuulan nga ng samu't saring tanong ang aking utak ngayon... Kaya ba niyang pumunta dito sa Malaysia this weekend? Pero may exam siya sa Monday eh... Makakapunta nga kaya siya? At bago pa man mabuo sa isip ni Bibi ang kanyang planong puntahan ako, minabuti ko nang iligaw ang usapan...
Baba: May exam ka sa Monday di ba? Nag-aral ka na?
Bibi: Sa Sunday na lang. Mag-IKEA kami bukas nila Rose at Fina tapos sa hapon, pupunta mga batchmates namin, potluck celebration ng birthday ni Nikki...
Baba: Mag-aral ka ha...
Bibi: Opo...
At nasiguro ko ngang hindi pupunta si Bibi... At kung may plano man siyang pumunta, malamang nasabi niya yun either kay Mio or Annette... At malamang eh pinigilan na ako ng mga alaga ko na umalis kung sakali... Ngunit hindi... Therefore, I conclude that the plan to visit me here is not that concrete...
Pero yung plan ko? Ah basta, tuloy pa rin ako...


