Bibiholic Goes The Extra Mile
Saturday, September 15, 2007
Eto na ata ang pinaka-brutal na surprise na ginawa ko for Bibi...Una, dahil matinding paghahanda ang ginawa ko dito... Nag-risk na naman ako ng matindihang LQ...
Flashback: Nagtext si Bibi na gusto niya akong makita (hindi sa pagfi-feeling ha, pero ganyan talaga ang katotohanan) at sa dulo ng text ay may salitang "ayt"... Nag-flip ako... Sinabi kong hindi ko gustong makabasa o makarinig ng mga balbal na salitang ganyan... Ang "ayt" kasi ay pinaiksing "alright"... At naglitanya ako sa text... Lingid sa kanyang kaalaman, nasa plano kong awayin si Bibi ngayon... At kahit alam kong ako ang nagturo sa kanya ng salitang "ayt", aba'y tinarayan ko pa rin siya tungkol dito... Oo, at medyo matinik ang memory ni Bibi dahil naalala niyang ako ang nagturo sa kanya... Kaya't ano pa nga bang gagawin ng kahit na sinong lalaking naiipit sa ganyang pagkakahuli? Aba'y sinabi ko syempre na "hindi ko maalala" na ako ang nagturo sa kanya... Huwaw... First line of defense... Forgetfulness... At hindi ko na binanatan ng second line a.k.a. denial, dahil hindi naman kailangan mag-deny ng kahit na sinong lalaki... Umamin na lang tayo, eventually... :-)
Ikalawa, dahil muntik na akong mahuli kagabi nang tumawag siya... Ayakong magsinungaling... At nakalusot naman ako nang hindi nagsisinungaling...
Ikatlo, dahil may dalawang version ng plano ko sa pag-surprise sa kanya...
Version 1: Pagpasok ni Bibi sa kwarto niya pag-uwi galing IKEA eh nandun ako, nakatali sa kama... Hubo't hubad... Handang pagahasa...
Problem 1.1: Paano nga naman ako makakapasok sa condo nila, eh wala akong gate pass! Well, nandun naman siguro si Shayne at Nikki sa bahay, so pwede ko silang i-text... Pero di ata kakayanin ng hiya ko na makisuyo...
Problem 1.2: Paano naman ako nakasiguro na mauuna akong makarating sa bahay niya? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh... Bawal mag-assume! Kasi it will make an ASS out of U and ME...
Problem 1.3: At mahirap yatang itali ang sarili sa kama... Alangan namang magpatali pa ako sa mga housemates niya na nandun? Nakakahiya naman lalo yun...
Version 2: Habang namimili si Bibi sa IKEA ay makatatanggap siya ng text... "Balita ko may gwapo sa likod mo ha..." At sa kanyang paglingon ay nandoon ako...
Problem 2.1: Nagkakamali kayo... Hindi problem na hindi ako gwapo... Ano buzz! Kitang kita naman sa passport ko, ang pangalan... STEPHEN MARK OGWAPO... Oh yeah!
Problem 2.1 (for real): Paano ko naman masisigurong nasa IKEA pa siya pagdating ko sa SG nang hindi ako mahuhuli... Mahirap ata magkubli ng mga impormasyong ganito sa mabusising pagtatanong sa kinalalagyan ni Bibi... Medyo natututo na kasi yan maging James Bond, magaling na rin manghuli...
Problem 2.2: Hindi ko alam kung paano pumuntang IKEA! Hindi naman kakayanin ng powers ko mag-cab dahil 40sgd lang ang dala ko... Well, kaya naman, pero di ko kasi talaga alam kung kukulangin...
Pero ano pa bang magagawa ko kundi mag-adapt... Nandito na rin lang ako sa bus, aba'y career-in ko na itong surprise na ito!


