Bibiholic Frosts Bibi
Saturday, September 01, 2007
Flashback 1: Naaalala niyo pa ba na may binili akong something nice para kay Bibi? Nung before ako umalis ng KL para pumunta dito sa SG this weekend...Flashback 2: Noong gabing dumating ako, binigay ko na kay Bibi ang kanyang mga pasalubong... Ang mga cookies... Ang mga top, bag, at belt na binili before umalis sa KL... Nagustuhan naman niya... Buti na lang... Kung hindi, naku... Isang malaking kapalpakan na naman ako... Pero as it is, natuwa naman siya... Or baka polite lang... Haha... Anyway, matapos nga niyang bulatlatin ang mga pinamili ko...
Baba: Andun yung camera sa maliit na bag...
Bibi: Sige, mamaya...
At walang patid pa rin sa pagtingin si Bibi sa mga damit na pasalubong...
Baba: Kinuhanan ko ng pic yung lunch ko kanina sa Bistro Delifrance...
Bibi: Asan? Patingin ako...
Baba: Dyan sa maliit na bag...
At kinuha nga ni Bibi ang maliit na bag... Kinuha ang camera at tinignan ang mga pics... Binalik ang camera at muli'y pinagkaabalahan ang mga nauna niya nang nakitang mga pasalubong...
Baba: Grabe, dinedma na naman ang surprise ko...
Bibi: Ha? Asan?
Baba: Medyo kanina ko pa pinapabulatlat yung maliit na bag eh...
Bibi: Waaaaaaah... Ano 'to?!
Present: Heto kami't nagkakape nila Ate Baba dito sa isang mall na nakakabit sa City Hall MRT station... At ngayon nga'y suot ni Bibi ang kanyang "nice" na pasalubong... Hihi... Hindi kita yung sa kabilang tainga eh... Pero di naman kulang ang earrings at necklace set na yan...


