<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Bibiholic The Closet King

Saturday, September 01, 2007
Maaga pa... Siguro'y mga 9:00AM pa lang... At magkikita kami ni Ate Baba around 12:30 para tulungan siyang maglipat ng kanyang mga gamit... Nakinakaw na lang muna ako ng WiFi... At naka-chat nga ni Bibi ang kanyang mga magulang...


Maya-maya pa'y may nag-doorbell... At kumatok nga si Shayne para sabihing nandito ang agent ng owner ng flat nila... Yari... Ayaw raw ng may-ari na may lalaki dito... Kaya't ako'y nagtago... Saan?




And I stayed there for a good 45 minutes... Naka-idlip na nga ako... Ilang beses rin naman akong binisita ni Bibi... At ilang beses ko rin naman siyang pinabalik sa living room dahil baka mahuli ako... Tsktsk... Eh hello, inayos pa yung ilaw dun sa banyo na nakakabit sa kwarto niya... At inayos din ang doorknob ng pinto ng kwarto niya... O di ba? Buti di ako naihi...


At nang nakaalis na ang mga bwisitors... Aba'y nagbunyi ang mga nagbubulungan sa aking isip...


I'm coming out... I want the world to know... Got to let it show...
~
Post a Comment
<< Home

12:04 PM :: Baba (ponggoloids)