<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

BiBa's Bells v.003

Sunday, September 30, 2007
Talking about a wedding date...


Baba: Ang ganda niya...

Bibi: Ang ganda ko?

Baba: Alam ko maganda ka...

Bibi: Haha... Ano ba, pinag-uusapan natin ay wedding date...

Baba: Oo nga, sabi ko ang ganda niya... Nung naisip kong date...

Bibi: Ahh...

Baba: Kailangan magbuhat ng sariling bangko?

Bibi: Baliw!


Hindi ko alam kung talagang bingi si Bibi... O nagpapa-cute... O baka nagbubuhat lang talaga ng sariling bangko...


Bibi: Totoo bang may naisip ka nang date?

Baba: Oo... At ang ganda niya talaga...

Bibi: Barbero!

Baba: O sige, sasabihin ko na...


At sinabi nga ni Baba ang date na matagal nang naglalaro sa isip niya...


Bibi: Pareho pala tayo ng naisip!

Baba: Hala... Bawal makihati sa glory ng pagpili ng magandang date!

Bibi: Baliw, naisip ko talaga sa tenth year natin...

Baba: Barbero!


At gaya ng madalas mangyari, nambarbero na naman si Bibi para lang masabi na pareho sila ng iniisip ni Baba...


Pero yung totoo, maganda yung date... At, oo, naisip nga ata ni Bibi na sa tenth year namin... Which happens to be the date I've been thinking of... Ilang tulog na lang...


Kailangan ko na talaga mag-ipon! :-)

Labels:

~
Post a Comment
<< Home

11:50 PM :: Baba (ponggoloids)