<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Bibiholic On Day Off

Saturday, August 25, 2007
Unang weekend sa Singapore!!! Well, syempre, dahil Sabado, eh maglalakwatsa kami ni Bibi at Ate Baba...


Napagkasunduan naming magkita sa Harbourfront Centre at mula roo'y sinugod namin ang Vivo City... Ito raw ang pinakamalaking mall as of the moment... Masaya... Seryoso... Mahilig akong magshopping kaya naaappreciate ko ang iba't ibang mga mall dito... Pero masaya dito sa Vivo... Malawak kasi, at kahit dagsain ng tao, mukhang maluwag pa rin...


Kumain kami ng uber late lunch sa White Dog Cafe... Hindi ko alam kung bakit tinawag na ganun yun... Wala namang white dog na mascot... At wala rin namang hotdog o anumang kalahi nito sa menu nila... Kaya't isang malaking palaisipan ito para sa amin... At ayako munang isipin ngayon... Saka na lang kapag nakapagpahinga na ako at na-recharge na ang aking maliit na utak...


Dito nga'y nakakita kami ng 2 dollar store... Sa Pinas, sa Robinsons Place Ermita, may Japanese home center na kung tawagin ay 88 peso store... Lahat ng bagay 88 pesos... Dito, ganun rin, lahat ng bagay, 2 SGD... Saya di ba? Mas mura pa kaysa sa Pinas... At, mas maraming mabibili...


Wala naman kaming masyadong ginawa bukod pa doon... Naglakad lakad lang... Naglibot libot... Naupo sa upper deck ng isang double deck na bus... Umuwi at nakipagkwentuhan si Ate Baba sa mga housemates ni Bibi... Yun lang...


Day off ko from work... Pati sa shopping, day off ko... Wala akong nabiling damit o kung anuman...


On-duty naman akong boyfriend... 24-hour shift... Mula almusal hanggang shopping sa hapon hanggang masinsinang pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na nakakapagpabago ng ikot ng mundo bago matulog hanggang sa pag-aayos ng kumot kapag naalimpungatan sa madaling araw dahil sa lamig ng aircon... Huwaw... Shift pa bang tawag dun...


Hindi... Love ang tawag dyan... :-)
~
Post a Comment
<< Home

11:02 PM :: Baba (ponggoloids)