<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

First Mass

Sunday, May 20, 2007
May sakit pa rin si Mio kaya hindi kami nakasama sa mga ex-GXS magsimba nung umaga. Pero magsisimba daw si Loi at Ben (hindi yung ex-OOCL na Ben) nang hapon, kaya sumama ako.


Hmm... Malayo ang simbahan. First time kong pumuntang KL galing Cyberjaya. Tagtag sa biyahe... 40 minutes yung bus ride mula Putrajaya Sentral hanggang KL Sentral... Sakay ng LRT papuntang Pasar Seni... Lakad papuntang St. John's... Misa...


Kwento... Una, yung bus (na kung tawagin nila rito ay "bas" pagkat kung anong bigkas siyang baybay) ay hanggang Pasar Seni talaga... Yun nga lang, medyo maghihintay pa siya sa KL Sentral ng mga pasahero... Eh nagmamadali na kami, kaya nag-LRT na kami...


Ikalawa, sabi ni Ben, kung gusto raw namin ng Pinoy culture, sa umaga raw kami magsimba... Sa labas raw ng simbahan, may mga sidewalk vendors... Manicure, pedicure... May nagbebenta pa nga ng Boy Bawang... Mahal nga lang... Mistulang Quiapo kapag umaga sa St. John's... Masubukan nga sa susunod... Hmm...


Ikatlo, nakita ni Ben ang kaklase niya nung high school habang nag offer ng peace sa mass (aka Peace Be With You)... Matapos ng misa, naikwento nila samin na sila pala ay nanakawan... Friday night dumating sa KL, Saturday morning, na-snatch ang bag ng ina... Naka-motor raw ang salarin... Naka-jackpot raw ang snatcher dahil andun lahat ng passport, plane ticket, credit card, at cash sa bag na nahablot... Kawawa naman sila... Pero parang may mali, bakit ba lahat ng mga yun ay nasa isang bag lang? Sana man lang ay pinaghiwa-hiwalay ang pera... Hay, malas nga naman... Kumusta naman sila? Ayun, taghirap... Sa Tuesday na ang balik sa Pilipinas, ni hindi man lang makapaglibot, at lalong hindi makapagshopping... Hay...


Nagpunta kaming China Town... Kaunting lakad lang naman mula sa simbahan... Hala... Binondo/Divisoria galore! Akalain mong merong dibidi-dibidi dito... Todo peke... Ayus... Dami ring mga damit, sapatos, borloloy, at mga anik-anik na samu't sari rin ang presyo...
~
Post a Comment
<< Home

11:38 PM :: Baba (ponggoloids)