<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Kwentong Barbero

Friday, April 13, 2007
Ito ang araw ng queer eye shopping... At sa panahong ganito, maligalig si Baba at Bibi... kakaibang high kasi ang dulot ng shopping sa dalawang ito... Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan nila... Bili sa shop na to... Bili sa shop na yan... Ganun lang... Simple... Simpleng magastos...


Napagkasunduan nilang magkita sa bahay ni Baba at around 6pm... Ngunit, sa inaasahang pagkakataon, malalate na naman si Bibi kaya't nag-text ito kay Baba...


Bibi: Ba, tawad naman 6:30 o... Di me malate sa 6:30 promise... Sorry... =(

Baba: Ok lang. Kung gusto mo, 7pm na lang.Ü

Bibi: Wow!Ü sige, 7pm na lang.Ü abot pa naman mall nun di ba? teka, text kita pag lrt na ko. Thanks baby... *hugziggy*


Hindi na nag-reply sa text si Baba... Alam kasi niyang malalate na naman si Bibi, kahit anong oras pa ang pag-usapan nila... At dahil nga walang natatanggap na sagot, napag-isip-isip ni Bibi na magpa-cute...


Bibi: Baby, thank you sa pag-intindi sa baby mo na 'quite a handful' ha... *hugz* smile ka na, wag ka na magalit sa baby mo, di yun malalate mamaya... ¤mwah¤


Heto nga'y dumating si Baba ng 6:30 sa bahay... Nakaligo pang muli... Habang naliligo'y tumunog ang kanyang cellphone... Matapos maligo, nabasa niya ang inaasahang text... "I know late na ko... Sorry... LRT na ko..." At anong oras nga ba natanggap ang text? 6:36pm... Sa mga hindi nakaaalam, halos 45 minutes to 1 hour ang biyahe mula bahay ni Bibi papuntang bahay ni Baba... Kumusta naman, 7:15pm na nang dumating ang magandang Bibi... Naku, kung hindi lang ako sanay na late ka, malamang inulan ka ng sabon... :-P


Hindi daw malalate... Barbero... Your stories are true to life... True to life kwentong barbero... :-P
~
Post a Comment
<< Home

11:31 PM :: Baba (ponggoloids)