<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

May Bukas Pa

Sunday, December 31, 2006
Minsang tinitignan ni Baba ang N70 ni Bibi. Actually, kahapon lang yun, nahuli niyang may tinatago si Bibi.


Bibi: Akin na yan!

Baba: Bakit? Anong tinatago mo?

Bibi: Surprise nga eh! Bawal na ba mag-surprise?!

Baba: Bi, yung surprise, hindi dapat nalalaman agad. Eh alam ko na, so mag-expect na ko nyan. Hindi na surprise. Sabihin mo na...

Bibi: Hindi! Ah basta, may right time para malaman yun. Hindi ngayon.


At tinanggap na lang ni Baba na hindi pa noon ang right time. Makalipas ang ilang minuto, nagkukulitan na silang dalawa.


Baba: Grabe to o, kung makayakap parang wala nang bukas.

Bibi: Wala na talagang bukas!

Baba: O, yun pala eh, sabihin mo na kung ano yung surprise...

Bibi: Hindi! May bukas pa para sa'yo!


Hay naku, ang daya talaga. Pag siya mag-benefit, ok lang na agaran, pag ako, hindi pwede. Cheater! ¤mwah¤
~
Post a Comment
<< Home

2:34 PM :: Baba (ponggoloids)