Gifts And Wraps
Thursday, December 21, 2006
Heto na naman ako... Nagbabalot ng mga regalo para sa mga officemates na pasaway... Hay... Kung minsan, hindi ko alam kung dapat ba bawasan ko ang mga close friends ko para naman mabawasan rin ang gastos ko kapag ganitong bigayan ng regalo.. Haha... Hahay pala dapat... Kasi naman... Baka may magtampo... Pero naisip ko nga, ano namang paki nila sa kung anong ibigay ko sa kanila, eh ako naman ang nagbibigay... Haha... Walang sense... Bwiset...Anyway, heto na naman ako... Nagbabalot ng mga regalo... At kahit anong ganda ng pagbabalot ko, sisirain rin lang naman ng magbubukas... So bakit pa nga ba binabalot ang mga regalo? Bukod sa aksaya ng oras ng nagbabalot, aksaya rin sa papel na ginagamit pambalot... Aksaya rin sa scotch tape... Puro aksaya... Actually, nanghihinayang lang ako... Hay naku... Wag na nga lang magregalo... Magiging kuripot na ko next year... Wala na kayong mga regalo...
Pero nakatutuwang makita na nasiyahan ang mga kaibigan ko sa mga nakuha nilang regalo sa'kin... Yun lang naman talaga ang purpose eh, na kahit saglit, mapangiti ko kayo... Naks... Drama ko!
Hay naku!!! Sa susunod talaga, wala na kayong mga regalo!!!!


